|
||||||||
|
||
Maarte/20131127.m4a
|
Kuwento nina Niulang at Zhinv
Noong nakaraang episode, isinalaysay ko sa inyo ang "Kuwento nina Niulang at Zhinv." Nagtagpo at nagpakasal sila. Nagkaroon sila ng kambal na anak; isang lalaki at isang babae at nagsikap sila sa kanilang buhay. Ngayong gabi, ipagpapatuloy natin ang kanilang kuwento.Isang araw, ang alaga ni Niulang ay naghingalo. Bago tuluyang ipikit ng alaga ang mga mata nito, sinabi nito sa kanila na ang balat nito ay makakapagpalipad ng isang tao hanggang doon sa langit. Hiniling sa mag-asawa na kunin at ipreserba ang kanyang balat.
Samantala, natuklasan ng Hari at Reyna ng Kalangitan na pumunta ang kanilang apo sa daigdig ng tao at nagpakasal pa, bagay na ikinapoot nila. Kaya, lumipad ang reyna sa mundo kasama ang kanyang mga sundalo.
Isang araw, pagkagaling ni Niulang sa bukid, nakita niyang nakaupo sa lupa at umiyak ang dalawang anak niya. Sinabi nila kay Niulang na ang kanilang nanay ay kinuha ng isang matandang babae. Naalala ni Niulang ang sinabi ng kapong baka, at inilagay niya ang kambal sa isang malaking basket para itago. Pagkatapos ay isinuot niya iyong "magic hide" at lumipad sa langit. Halos nagpang-abot na sila ng reyna at kanyang asawa nang marinig ng reyna ang pag-iyak ng kambal. Lumingon ang reyna at nang ikaway niya ang kamay niya, isang mapanalantang agos ng tubig ang pumagitna sa kanila ni Niulang. Si Niulang naman ay hindi nakatawid sa malawak na ilog na ito. Kaya, siya at ang kanyang mga anak, ay lubhang nalungkot. Walang nagawa kundi umiyak na lang. Naawa naman ang Hari sa kahabag-habag na pamilyang ito nang marinig niya ang kanilang paghahagulgulan, kaya ipinasiya niyang payagan sina Niulang at Zhinv na magkita minsan sa isang taon tuwing ika-7 araw ng ika-7 buwan ayon sa Chinese Lunar Calendar.
Ang kaawa-awang mag-asawang sina Niulang at Zhinv ay naging mga bituin. Si Niulang ay ang Altair at si Zhinv naman ay ang Vega. Ang ilog na naghihiwalay sa kanila ay kilala bilang "the Milky Way". Sa silangang bahagi ng Milky Way ay may 3 linya at si Altair ang nasa gitna ng mga linyang ito, samantalang nasa kaliwa't kanan niya ang mga kambal. Sa timog silangan ay may anim na bituin na ang porma ay parang isang "ox". Si Vega naman ay matatagpuan sa kanlurang pampang ng Milky Way at napapaligiran ng mga bituin na bumubuo ng pormang "loom". Tuwing ika-7 araw ng ika-7 buwan, si Altair at si Vega ay lumalapit sa isa't isa.
Nagpasalin-salin ang nakalulungkot na kuwentong ito sa bawat henerasyon. Alam na alam ng lahat na halos walang makikitang magpie tuwing Double-seventh Day sa dahilang lumilipad ang mga ito papunta sa Milky Way kung saan bumubuo sila ng isang tulay upang magkatagpo ang mag-asawa. Kinabukasan, makikitang kalbo ang mga magpie, bunga ng matagal na pananatili nina Niulang at Zhinv sa mga ulo ng kanilang matapat na kaibigang nababalot ng balahibo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |