|
||||||||
|
||
PTNT/20131202.m4a
|
Ang pelikulang Young Detective Dee: Rise of the Sea Dragon ay isang prequel ng Detective Dee, nagkukuwento ito ng karanasan ni detective Dee Ren Jie noong bata pa siya.
Para sa bagong kuwentong ito, bukod sa "Detective Dee", ang Sea Dragon ay isa pang keywords ng pelikulang ito. Ang Sea Dragon ay isang monster na namumuhay sa Luo Yang, isang lunsod ng Tang dynasty ng Tsina. Kumakain ito ng mga tao, kaya ayon sa kautusan ni Empress Wu, isinagawa ni Dee ang imbestigasyon sa monster na ito.
Kumpara sa unang pelikulang Detective Dee, dinagdag ng pelikulang Rise of the Sea Dragon ang maraming bagong elemento. Halimbawa, ginamit ng pelikulang ito ang 3D tecnology, pangunahin na, para sa mga scenes hinggil sa Sea Dragon, kasi ito ay isang monster na namumuhay sa ilalim ng tubig.
Bukod dito, ginamit ng pelikulang Rise of the Sea Dragon ang bagong stars. Sa pelikulang Detective Dee, si Andy Lau ang gumanap ng papel ni Detective Dee, pero sa bagong pelikula, si Mark Chou ang gumanap ng batang detective Dee. Idinaragdag rin ng bagong pelikula ang mga bagong roles para sa kuwentong ito. Na tulad ni Yuchi Zhenjin, isa pang detective ni Empress Wu. Isinasagawa ni Yuchi ang kaso ng Sea Dragon kasama ni Detective Dee. Si Feng Shaofeng ang gumanap ng papel ni Yuchi Zhenjin. Napakaganda rin ang gumanap sa female leading role ng pelikulang ito, siya ang sikat na sikat na si Anglebaby. Siya ay gumanap ng papel ni Yin Ruiji, pinakamagandang courtesan sa Luo yang.
Ang lahat ng characts sa Detective Dee ay bata, maganda, at tanyag kamakailan. Pero, hindi binago ang lahat ng characters sa movie na ito. Si Tsui Hark sinabi niya sa isang panayam na noong nakaraang 3 taon, nagsisikap siya para sa pelikulang ito, at nanalig siyang tiyak na magiging mas matagumpay ang bagong pelikula ng Detective Dee.
Sina Yin Ruiji at Yuanchen
Si Detective Dee
Si Yuchi Zhenjin
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |