Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Yu Opera

(GMT+08:00) 2013-12-04 17:17:30       CRI

Noong nagdaang dalawang linggo, isinalaysay ko sa inyo ang Huang Mei Opera at isang tipikal at tradisyonal na love story ng Tsina-Kuwento nina Niulang at Zhinv. Pakinggan muna natin ang feedbacks mula sa mga tagapakinig.

Sinabi ni Ronnalyn: hahaha, incidentally, madalas kong gamitin ang story ng magpie sa klase ko. paborito iyan ng students ko.

Sinabi ni Manuela kierrulf: a little difficult to comprehend. needs to read it over and over again.

Sinabi ni Poska: It's a real classical story. It can be appreciated in the present time and in the future.

Sinabi ni Carol: it's a typical love story pero magaganda ang scenes bago dumating ang climax.

Sinabi ni Super DJ happy: ganda naman ng story. creative talaga ang writer. congrats!

Ngayong gabi, dalawin natin ang lalawigang Henan ng Tsina para alamin ang Yu Opera.

Ang Yu Opera na tinatawag ding Henan Bangzi o Henan High Tune ay lumitaw noong huling dako ng Ming Dynasty at unang dako ng Qing Dynasty. Noong 2006, inilakip ang Yu Opera sa listahan ng China Intangible Cultural Heritage.

Ang Yu Opera ay kilala sa magagandang melodiya nito, malakas na ritmo at malawakang paggamit ng sinasalitang wika. Ang Yu Opera ay popular sa malawak na masa dahil itinatampok nito ang mga pangyayari sa lokalidad at mayaman sa samyo ng buhay. Dahil sa natural, saka kaakit-akit at buhay na buhay na pagtatanghal, ito'y naging pangunahing local opera sa Lalawigang Henan at popular na popular sa buong bansa. May mahigit 600 tradisyonal na dula ang nasa repertoire ng Yu Opera. Ilan sa mga pinakakilala ay Kao Hong, White Snake Story, at Hua Mu Lan ni Chang Xiangyu; Mu Guiying Assumes Command ni Ma Jinfeng; at Chaoyangguo na isang makabagong dula.


Ang Inayos na Kasal

Ang narinig ninyo ay isa sa mga kilalang obra ng Yu Opera na pinamagatang "Inayos na Kasal (Qin Xuemei sa wikang Tsino)." Noong panahon ng Dinastiyang Ming, sina Qin Xuemei at Shang Lin ay ipinagkasundong ipakasal noong mga bata pa sila. Di naglaon, nang pagmalupitan ng mga masamang ministro ang pamilya ni Shang, nagtungo siya sa pamilyang Qin upang doon manirahan. Pero tinutulan ng ama ni Qin ang pagpapakasal ng kanyang anak na dalaga sa binatang ito at pinalayas. Nang bumalik siya sa kanyang sariling tahanan, nagkasakit nang grabe si Shang at punanaw. Puno ng kalungkutan, at kahit labag sa kagustuhan ng kanyang ama, nagtungo si Qin sa pamilyang Shang upang makipaglibing.


Ang Matalinong Mahistrado

Ang narinig ninyo ay isa pang kilalang obra ng Yu Opera na pinamagatang "Ang Matalinong Mahistrado (Tang Zhi Xian Shen Gao Ming sa wikang Tsino)."

Si Yan Song ay isang kilalang punong ministro noong panahon ng Dinastiyang Ming. Ang kanyang aroganteng kapatid na babae ay nagtatamasa ng titulong pandangal sa kautusang imperyal. Hinimok niya ang kanyang anak na lalaking si Chen Xiniu na dakpin si Lin Xiuying, isang dalaga sa kanilang lugar. Ipinagtanggol si Lin ng isang matapang na lalaki, pero sa paglalabanan, si Chen Xiniu ay di sinasadyang napatay ng kanyang mga katulong. Dahil sa labis na galit, inutusan ng ina ni Cheng ang kanyang mga katulong na gulpihin ang ama ni Lin hanggang sa mamatay. Tanging si Mahistradong Tang ang nangahas na litisin ang kaso at sa pamamagitan ng matalinong paraan, tinalo niya ang aroganteng babaeng ito.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>