Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pamahalaan, nagbabala sa mga biktima ni "Yolanda"

(GMT+08:00) 2013-12-04 20:27:47       CRI

Australian Foreign Minister, dadalaw sa Pilipinas

DARATING sa Sabado si Australian Foreign Minister Julie Bishop. Magtatagal siya sa Pilipinas ng dalawang araw.

Makakausap niya si Foreign Affairs Secretary Albert F. del Rosario upang talakayin ang recovery at rehabilitation efforts kasunod ng napakalakas na bagyong "Yolanda" noong nakalipas na buwan. Pag-uusapan nila ang maiaambag ng Australia sa pakikipagtulungan nila sa Pilipinas.

Paksa rin nila ang Philippine-Australian bilateral relations at iba pang regional issues. Balak ni Minister Bishop na dumalaw sa Lalawigan ng Leyte.

Nagbigay na ang Australia ng A$ 30 milyon o P 1.2 bilyon sa mga biktima ni "Yolanda". Mayroon din silang ipinadalang dalawang 37-kataong medical assistance teams at isang Disaster Victims Management Team. Dalawang Royal Australian Air Force planes, isang C-17A at isang C-130J at ang Royal Australian Navy ship, HMAS Tobruk upang tumulong sa humanitarian efforts. Nagbigay na rin ang Australia ng mga trapal, sleeping maps, kulambo, water containers at health and hygiene kits.

Ito ang unang pagdalaw ni Minister Bishop sa Pilipinas. Siya ang kauna-unahang babaeng foreign minister ng Australia. Naluklok siya noong Setyembre kasunod ng pagkakahalal kay Prime Minister Tony Abbott at ng kanyang coalition government.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>