|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
General Assembly ng mga Chaplain sinimulan na
NAGSAMA-SAMA ang mga pari at iba pang naglilingkod sa mga bilanggo mula ngayon para sa limang araw na pagpupulong upang matuto sa karanasan ng bawat isa at magpalitan ng mga pananaw sa mga isyung kinakaharap ng mga naglilingkod sa mga bilanggo.
May mga inanyayahang magsalita sa iba't ibang larangan upang kapulutan ng mahahalagang impormasyon sa bagong ebanghelisasyon. Magsasalita rin si Bishop Pedro D. Arigo ng Episcopal Commission on Prison Pastoral Care.
Tatalakayin ni Chief Supt. Doris Dorigo ang mga nagaganap sa Bureau of Jail Management and Penology at ni Supt. Venancio J. Tesoro ng Bureau of Prisons.
Dadalo rin si Bishop Leopoldo S. Tumulak, ang nangangasiwa sa Military Ordinariate at Chairman ng Episcopal Commission on Prison Pastoral Care.
Si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mamumuno sa Closing Eucharistic Celebration sa araw ng Sabado, ika-14 ng Disyembre. Idaraos ang pagtitipon sa Carmelite Missionaries Center for Spirituality sa Tagaytay City.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |