Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Leather Silhouette Show

(GMT+08:00) 2013-12-11 18:05:01       CRI

Noong nagdaang mga episode, isinalaysay ko sa inyo ang iba't ibang uring opera ng Tsina. Ang mga ito ay mahalagang pamana ng kulturang Tsino. Ngayong gabi, isasalaysay ko naman sa inyo ang isa pang uri ng pamanang Tsino. Hindi mga artista ang nagtatanghal dito, at itinatanghal ito sa pamamagitan ng leather. Ito ay ang leather silhouette show.

Ang leather silhouette show ng Longdong ng Lalawigang Gansu sa hilagang kaluran ng Tsina ay kumalat at patuloy pang kumakalat, pangunahin na sa mga bayang Ping Liang at Qing Yang Ge, at medyo nakapokus sa Dong Lin ng Shaanxi at Ningxia.

Ang Long Dong leather silhouette show ay kilalang-kilala sa panahon ng Ming at Qing Dynasty (ika-14 hanggang ika-19 siglo). Maganda't natural ang korte ng leather silhouette, mataas at tuwid ang guhit-larawan at pulido ang pagkakaukit.

Epekto ng palabas ang binibigyang-pansin sa leather silhouette show sapagkat napagagalaw ang iba't ibang bahagi ng katawan ng tauhan sa palabas; pati ang mataas at umaalingawngaw na tugtog ng tradisyonal na opera ay nagpapakita ng maliwanag na katangian sa lokalidad at atmosperang pambukid.

Paano gumawa ng leather silhouette?

Una, dapat pumili ng balat ng batang torong may maitim na balahibo. Ang balat nito ay dapat matibay, nababaluktot at makunat. Bago gawin kakaskasin muna ang balat at patutuyuin sa hangin hanggang sa maging makintab at maaninag. Iguguhit muna nang di-mariin ang dibuho sa balat, pagkatapos ay gawin ang pag-ukit o pagpait sa pamamagitan ng iba't ibang kasangkapan. Pagkatapos nito, lalagyan ng kulay at paplantsahin ang mga naukit na balat. Ito ang pinakamahalaga't pinakamahirap na yugto ng paggawa. Muli itong patutuyuin sa hangin, tatahiin at pagsasama-samahin para sa pagtatanghal.

Marami ang mga programa ng Longdong leather silhouette show kabilang ang mga kuwentong pangkasaysayan ng mga Sui at Tang Dynasty. Pulido ang pagkaka-ukit sa mga tauhan at mga gamit sa entablado at talagang kahali-halina ang mga kilos at banghay ng palabas. Resonable ang pagsasama at paghihiwalay sa pagitan ng mga bahagi ng mga paa at bisig ng mga tauhan, kaya maliksi ang palabas.

Ang leather silhouette show ng Lalawigang Shaanxi sa hilagang kanluran ng Tsina ay may estilo ng pagkukuwento. Ito'y sinusundan ng maraming makabagong iba't ibang operang lokal ng Shaanxi.

Ang leather silhouette show ng Shaanxi ay may simple't likas na hugis at taglay nito ang artistikong katangiang pagkakayari. Simple ang buong guhit-balangkas ng korte ng mga tauhan at maganda't matibay ang mga tahi. Sa pag-ukit, ang ilan ay may tagusang balangkas at ang ilan nama'y hindi. Madalas na pinalalamutian ng magkaibang mga dibuho ang iba't ibang bahagi ng tauhan, kasangkapan at eksena ng leather silhouette show. Ang buong epekto ng palabas ay mahusay at hindi makupad, maikli't malinaw pero hindi hungkag.

Hindi lamang magandang panoorin ang bawat tauhan, kundi mahalaga't masigla rin ang buong koordinasyon at bumubuo ito ng perpektong artistikong kabuuan.

Ang leather silhouette show naman ng Lalawigang Shanxi ay estrikto at naaayon sa pamantayan. Ang artistikong estilo't teknolohiya nito'y katulad ng sa leather silhouette show ng Lalawigang Shaanxi. Itim na sinulid ang ginagamit sa paggawa ng mga tahi at itinatahi rin ang mga maliit na bagay bilang palamuti.

Ang ginagamit na pangkulay ay matingkat na pula't berde, kulay apricot at iba pang kulay na karaniwa'y sariling gawa ng mga artista mismo. Ang mga kulay ay maningning, elegante't natural, at hindi madaling maagnas o masira ang hugis ng silhouette.

May iba't ibang tradisyonal na dibuho sa leather silhouette sa timog ng Shanxi, tulad ng mabuting kapalaran, mataas na sahod at mahabang buhay, pangunguna ng limang anak na lalaki, estrelya del norte, pagdiriwang sa kapanganakan ang The Eight Immortals, paghahatid ng anak na lalaki ang unicorn at sunud-sunod na magsilang ng anak na lalaki. Ang lahat ng ito'y madalas na makita sa mga tauhan ng silhouette at sa mga kasangkapan sa entablado. Madalas ding makita ang tradisyonal na mga dibuho sa iba't ibang estruktura at kagamitan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>