|
||||||||
|
||
Bureau of Immigration, tumulong sa mga Vietnames na nasalanta ng bagyong "Yolanda"
SUMANG-AYON si Immigration Officer in Charge Atty. Siegfred B. Mison sa kahilingan na kilalaning mahihirap ang may 25 Vietnamese nationals na nabiktima rin ng bagyong "Yolanda."
Sa isang liham mula kay G. Hoang Nghia Cang, Third Secretary ng Vietnamese Embassy to the Philippines, ang mga Vietnamese nationals ay matagal ng nanirahan sa Pilipinas at nawalan ng kinikita at mga dokumento na makapaglakbay dahilan sa napakalakas na bagyo. Hiniling din niya sa Immigration Bureau na payagan nang ipatapon ang mga Vietnamese pabalik sa kanialng bansa on humanitarian consideration.
Pumayag si Commission Mison sa kahilangan ng Embahada ng Vietnam. Pinakalat din ng tanggapan ang mga tao ng kanyang tanggapan upang matiyak ang na naipatutupad ang mga alituntunin ng immigration at mga regulasyon.
Pinakalat na rin ang mga kponang ito sa Tacloban, Guian, Eastern Samar at Ormoc City upang magmonitor ay tumulong sa mga foreign volunteers o internally displaced persons na hihiling na mabigyan ng visa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |