|
||||||||
|
||
Pabahay, lubhang kailangan
SA pagtatapos ng 2013, higit na kailangan ang pabahay sa mga nasalantang pook sa Central Philippines. Ayon sa pinakahuling ulat ng United Nations' Office for the Coordination of Humanitarian Affairs, napakalaki ng pangangailangan sa pananalapi ng Shelter and Camp Coordination and Camp Mananagement Clusters.
Nakikiusap na ang mga nangangasiwa sa pabahay sa pribadong sektor na makiisa na. May koordinasyon na rin sa Pamahalaan ng Pilipinas upang malutas ang mga isyung may kinalaman sa isyung bumabalot sa bunkhouses.
Nagkaroon ng flash floods sa Capiz kaya't inilikas ang may 14 na pamilya. Humihiling sila ng tulong.
Nakatakdang magsimula ang klase sa ika-anim na Enero subalit karamihan ng mga evacuation centers sa Kanluran at Gitnang Kabisayaan ay pawang nasa mga paaralan. Nararapat lamang mabalanse ang ang pangailangan ng mga evacuees at ng mga mag-aaral.
Nararapat lamang makatanggap ng suporta upang maibalik ang mga hanapbuhay at kalakaran ng pamilihan sa pagbaba ng mga darating na pagkain sa mga susunod na linggo at buwan.
Ibinalita ng OCHA ang pahayag ng mga mangangalakal sa bayan ng Guiuan na 30% pa lamang ang kalakalan sa kanilang pook kung ihahambing sa panahon bago sumapit ang bagyo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |