|
||||||||
|
||
Maarte/20140107.m4a
|
Pagkaraan ng Bagong Taon, ipagdiriwang naman ng mga Tsino ang pinakamahalagang kapistahan sa Tsina - ang Spring Festival.
Bukod sa Bagong Taon na nakabase sa Gregorian Calendar, ipinagdiriwang din ng mga Tsino ang Spring Festival, na base naman sa Chinese Lunar Calendar, at ito ang totoong simula ng bagong taon para sa mga Tsino.
Ayon sa Chinese Calendar, hanggang sa ika-30 ng Enero ay taon pa rin ng ahas (Year of the Snake) at papasok ang taon ng kabayo (Year of the Horse) sa ika-30 ng Enero. Ihahandog po namin sa inyo ang isang kilalang kuwento tungkol sa ahas na pinamagatang "Madame White Snake."
Ang "Madame White Snake" ay isang popular na fairy tale sa Tsina: at dito, ang diwatang si Bai Suzhen --- na isa ring Budista sa loob ng ilang libong taon, at nagbabalat-kayo bilang isang magandang dalaga, ay gustong makatikim ng pag-ibig mula sa isang tunay na tao. Siya'y umibig kay Xu Xian sa Broken Bridge sa West Lake. Sa pamamagitan ng tulong ni Xiao Qing --- kanyang nakababatang kapatid na babae na sa katunaya'y isang green snake, nagtagpo at nagpakasal sina Bai Suzhen at Xu Xian.
Hinadlangan ni Fa Hai, isang monghe sa Gold Mountain, ang maligayang pagsasama ng mag-asawa sa pamamagitan ng paggamit ng mahika. Nilinlang niya si Bai upang uminom ng realgar wine upang lumabas ang kanyang tunay na hitsurang ahas. Natakot at namatay si Xu Xian nang malaman niya ang katotohanan.
Para mailigtas at mabuhay muli si Xu Xian, ninakaw ni Bai ang Celestial Grass sa kalangitan. Samantala, patuloy pa ring hinadlangan ni Fa Hai si Bai upang magkasama silang muli ni Xu Xian. Sa pagkakataong ito, ibinilanggo naman niya si Xu Xian sa Jinshan Temple.
Magkasamang nakipaglaban kay Fa Hai sina Bai Suzhen at Xiao Qing. Binaha nila ang Jinshan Temple at iniligtas si Xu Xian.
Pero, maraming inosenteng nilalang ang nadamay at namatay dahil sa baha. Pagkaraang ipanganak ni Bai ang isang batang lalaki, muli na namang ginambala ni Fa Hai ang mag-asawa, at inilagay ang sanggol sa ilalim ng Lei Feng Pagoda. Pagkaraan ng maraming taon, iniligtas ni Bai Suzhen ang kanyang anak, at maligayang namuhay ang buong pamilya.
Ngayon ay pakinggan natin ang isa pang bersyon ng "Madame White Snake" sa Yu Opera.
Maarte/20140107sound.m4a
|
Ang Yu Opera na tinatawag ding Henan Bangzi o Henan High Tune ay lumitaw noong huling dako ng Ming Dynasty at unang dako ng Qing Dynasty. Noong 2006, inilakip ang Yu Opera sa listahan ng China Intangible Cultural Heritage.
Ang Yu Opera ay kilala sa magagandang melodiya nito, malakas na ritmo at malawakang paggamit ng sinasalitang wika. Ang Yu Opera ay popular sa malawak na masa dahil itinatampok nito ang mga pangyayari sa lokalidad at mayaman sa samyo ng buhay. Dahil sa natural, kaakit-akit, at buhay na buhay na pagtatanghal, ito'y naging pangunahing local opera sa Lalawigang Henan at popular na popular sa buong bansa.
May mahigit 600 tradisyonal na dula ang nasa repertoire ng Yu Opera. Bukod sa "Madame White Snake," kilala rin dito sa Tsina ang mga dulang gaya ng Hua Mu Lan, Mu Guiying Assumes Command, at iba pa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |