|
||||||||
|
||
20140116ditorhio.m4a
|
Mga pengyou, di-lingid sa kaalaman nating lahat na napakarami ang mga Pilipino saan mang sulok ng mundo. Halos kahit saang bansa, makakakita ka ng Pinoy, na nasa ibat-ibang larangan at antas ng lipunan. Kaya, naman lumabas ang katagang "Global Pinoy."
Dito sa Tsina, ganyan din po ang situwasyon. Kadalasan pa nga akong bumibilib sa mga Pinoy na ating nakakapanayam dahil sa taglay nilang abilidad at diskarte sa buhay. Marami rin pong mga Pinoy na nagtatrabaho at naninirahan dito sa Tsina ang naging matagumpay sa kanilang karera.
Dahil sa mga oportunidad na dala ng pag-unlad ng ekonomiya, kaya naman marami sa ating mga kababayan ang nagiging successful.
Pero, alam po ba ninyo, hindi lang mga indibiduwal na Pinoy ang nagiging successful dito sa Tsina? Marami-rami na ring mga kompanyang Pinoy ang pumasok sa Chinese market, at ilan sa kanila ay popular na popular na rito sa Tsina. Isa na po riyan ang Oishi.
Mga kaibigan, kamakailan ay pinarangalan po sa Beijing ng China-ASEAN Business Council (CABC) ang mga Pilipinong kompanyang kinabibilangan ng Liwayway Marketing Corporation (LMC) - Tagagawa ng Oishi, SM Prime Holdings, at Guangxi-Fil Dragon Real Estate Development Ltd. Iginawad ng CABC sa mga naturang kompanya ang titulong "2013 Successful Enterprises Entering into China."
Bukod pa riyan, nasungkit din ng LMC ang titulong "2013 Outstanding Enterprises Entering into China." Ibinigay mismo ni Ginoong Xu Ningning, Executive President ng CABC ang mga plake bilang parangal.
Ayon kay Hans Ding, Assistant to the President ng LMC, ang parangal na kanyang tinaggap ay hindi lamang para sa LMC, kundi para sa lahat ng taong walang-sawang nagtatrabaho, sumusuporta, at tumatangkilik sa mga produkto nito.
Dumalo rin sa awarding ceremony ang butihing Embahador ng Pilipinas sa Tsina, Erlinda F. Basilio. Aniya, natutuwa siya sa pagkakaparangal sa mga kompanyang Pilipino na nag-invest sa China.
Sa eksklusibong panayam ng Serbisyo Filipino kay Ginoong Xu Ningning, Executive President ng China-ASEAN Business Council (CABC), ipinahayag niyang, isa sa mga pinakamahalagang dahilan ng pag-unlad ng ekonomiya ng mga bansang ASEAN ay ang partnership nila sa Tsina.
Isinalaysay ni Xu na simula noong maisaoperasyon ng Tsina at ASEAN ang China-ASEAN Free Trade Zone, napadali ang pakikipagkalakalan ng dalawang panig sa isat-isa; at sa pamamagitan nito, tumaas ang bolyum ng kalakalan ng Tsina't ASEAN, kasama na ang pagtaas ng bilang ng mga kooperasyon sa ibat-ibang larangan.
Malaki aniya ang benepisyong nakuha at patuloy na nakukuha ng Tsina't mga bansang ASEAN dahil dito.
Mga pinarangalan sa 2013 Successful Enterprises Entering into China
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |