|
||||||||
|
||
rhioblog
|
Ngayon po ay ika-30 ng Enero 2014. Dito sa Beijing at buong Tsina, nagsisimula na ang malalakas na putukan bilang pagsalubong sa Chinese New Year o Spring Festival.
Maya-maya lang po ay magiging todo na ang pagpapaputok at parang mapipintahan ng ibat-ibang kulay ang skyline ng Beijing. Pantaboy daw kasi ng malas ang paputok, kaya naman bongga ang selebrasyon ng Spring Festival.
Katulad ng sabi natin noong nakaraang episode, ang Spring Festival ang pinakamahalagang pagdiriwang sa buhay ng mga Tsino. Ito ang katumbas ng ating Pasko at Bagong Taon. Malayo o malapit, kailangang umuwi ang lahat sa kanilang probinsya upang dalawin ang kanilang mga magulang at mahal sa buhay.
Sa panahon ding ito, nagsasama-sama ang lahat ng miyembro ng pamilya; at siyempre, nagbibigayan ng "hong bao" o pulang embelop na may lamang bagong imprentang pera.
May kasabihan dito sa Tsina, "You Qian, Mei Qian, Hui Jia Guo Nian: You Ren, Mei Ren, Hui Jia Guo Nian." Ang ibig sabihin, "may pera man o wala kailangang umuwi sa bagong taon: may (boyfriend/girlfriend) man o wala, kailangang umuwi sa bagong taon." Ito ngayon, mga pengyou ay mainit na usapin sa Tsina.
Para mas maunawaan natin ang tungkol sa mga isyung ito at makuha ang tunay na pulso ng mga kabataang Tsino, narito po ang Special 2-part Episode na pang-Spring Festival ng DLYST.
Back to Rhio's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |