Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pamanang Pandaigdig ng Tsina

(GMT+08:00) 2014-01-29 10:42:07       CRI

Samahan po ninyo kaming dumalaw sa mga Pamanang Pandaigdig ng Tsina.

Simulan natin sa pinakakilala —— ang Great Wall.

Ang Great Wall

Ang world famous na Great Wall ay isang pandepensang militar noong unang panahon at bihirang makita sa kasaysayan ng konstruksyon ng sangkatauhan. Isa rin ito sa 7000 pinakakilalang konstruksyon ng matandang Tsina. Ito'y dangal at sagisag ng nasyong Tsino at isa ring architectural wonder sa kasaysayan ng konstruksiyon sa daigdig. Ito ay nabuo mula sa dugo't pawis at katalinuhan ng mga ninuno ng nasyong Tsino. Noong 1987, nakilala ito sa daigdig dahil sa haba ng kasaysayan, laki ng sakop at kahanga-hangang pagkakagawa nito. Matagal na itong kinilala bilang isa sa mga 7 Wonders of the World, kasama ng Taj Mahal ng India, Petra ng Jordan, Christ The Redeemer ng Brazil, Machu Picchu ng Peru, Chichen Itza ng Mexico, at the Roman Colosseum ng Italy. Ang Great Wall ay sinimulang itinayo noong panahon ng Spring and Autumn, at Warring States Period, bago isilang si Kristo, natapos ang konstruksyon nito noong katapusan ng Ming Dynasty, noong ika-17 siglo. Mga 2,000 taon ang kinailangan para maitayo ang Great Wall na nakikita natin ngayon. Mula silangan pakanluran, dumaan ito sa matataas na bundok at tagaytay, bumagtas sa kaparangan at disyerto. Umabot naman sa mga 10,000 li ang haba ng binagtas nito sa ibabaw ng malawak na lupain patungo sa kahilagaan ng Tsina.

Ang pinakamaagang kasaysayan ng pagtatayo ng Great Wall ay makikita sa record ng Zhou Dynasty (9BC). Nang panahong iyon, ipinatayo ni haring Zhou Xuan ang isang mahabang muog at mga beacon tower para sa pagtatanggol laban sa pananalakay ng mga bansang Ji, Wei, Zhao, Yan at Qin. Sa panahong iyon ang bawat kaharian ay nagsipagtayo ng kani-kanilang mga mahabang muog bilang tanggulan laban sa pananalakay ng mga kapitbansa. Pinagdugtung-dugtong ng mga magkakaalyadong bansa ang kanilang mga muog at mga beacon tower at patuloy na pinahaba iyon. Nang maglaon, ito ang tinatawag natin ngayong Great Wall. Noong 221 BC, nilipol ni Qin Shinhuang ang anim na ibang pang bansang nasa ilalim ng mga duke at itinayo ang kauna-unahang unipikado't sentralisadong bansa sa kasaysayan ng Tsina. Upang mapatatag ang depensa laban sa pananalakay at panliligalig ng mga Xiongnu, iniutos niya ang pagtatayo ng Great Wall, idinugtong niya ang mga muog ng mga bansang Qin, Yan at Zhao sa dakong hilaga; pinalawak at pinahaba rin niya ang isang muog ng Qin mula sa Liaodong, sa kanluran ng Lintao, Gansu province. Mula noon, walang tigil ang pagtatayo ng Great Wall. Sa pamamagitan nito, itinayo ng ibat-ibang sumunod na dinastiya ang Great Wall na nakikita natin ngayon. Halimbawa, ang Hetao, Longxi at iba pang lugar, pati ang komunikasyon sa pagitan ng silangan at kanluran. Sa mga Great Wall na itintayo sa nakaraang mga dinastiya, mas malaki ang sukat na itinayo sa mga dinastiyang Qin at Ming. Ang kanilang mga itinayong pader ay may habang lampas sa 5,000 kilometro.

Ang Ming Dynasty ay walang tigil na nagtayo ng Great Wall sa hilaga para mahadlangan ang patimog na pananalakay at panliligalig ng nalalabing puwersa ng hilagang Yi ng Yuan Dynasty. Ang pagtatayo ng Great Wall ng Ming Dynasty ay nagpatuloy ng mahigit 200 taon. Ang unang yugto ng pagtatayo ay nagsimula sa Ilog Yalujiang, sa silangang hangganan ng bundok Qilian. Ito ay may habang mahigit 7,300 kilometro. Para itong malaking dragong gumagapang papunta sa taas ng mataas na bundok. Bilang isang sistemang pandepensa, ang Great Wall ay mayroon ding pasukan papunta sa bundok, tore sa muog, smoke tower, beacon tower at tanggulan. Pagkaraan ng kalagitnaan ng Ming Dynasty, kinumpuni ang Great Wall mula Shanhaiguan hanggang Jiayuguan, kaya medyo maayos ang hitsura nito. Dahil dito, napagkakamalan ng mga tao ang parting ito bilang simula at dulo ng Great Wall.

Bilang isang proyektong pandepensa, ang Great Wall ay bumagtas sa mga bundok, at dumaan sa disyerto, kaparangan, bangin at ilog. Bihirang-bihira ang mga bricks at bato sa mga disyerto, kaya naman ginamit sa pagtatayo ng Great Wall ng Han Dynasty ang mga graba't Chinese Tamarisk (isang klaseng punong kahoy). Napakatibay ng Great Wall dahil sa dalawang materyal na ito. Dumaan man ang malakas na hampas ng hangin, buhangin, ulan at niyebe sa mahigit 2,000 taon, nakatindig pa rin ang ilang bahagi nito.

Sa nakaraan, ang Great Wall ay gumanap ng papel bilang maninging na sibat at binalutiang kabayo na lumaban para sa kapangyarihan, subalit kasunod ng pag-unlad ng panahon, pag-iisa ng bansa at pagbuklod ng iba't ibang nasyonalidad ng Tsina, matagal nang natapos ng Great Wall ang misyong pangkasaysayan nito. Simula noong panahon ng Qing Dynasty, mahigit 200 taon na ang nakalipas, itinuring ito bilang pamana at naipreserba hanggang ngayon. Ang Great Wall na gumanap ng papel bilang pandepensang militar noong nakaraan ay hindi lamang itinuturing ngayon ng iba't ibang nasyonalidad at ng mga dayuhan bilang makasaysayang bagay ng nakalipas, kundi ipinalalagay din ito bilang sagisag ng kapayapaan, pagkakaibigan at pasyalan ng mga turistang Tsino't dayuhan. Ang estartehikong paso ng Juyongguan at Badaling sa hilaga ng kabisera ay isang maliit na larawan ng Great Wall at isa sa mahalaga't pangunahing pook-pasyalan. Bukod diyan, ang Mutianyu, Shanhaiguan, Jiayuguan, Jiumenkuo, Jinshanling at Huangyaguan ay mga pasyalan din ng mga turistang Tsino't dayuhan.

Ang salawikaing "kung hindi ka pa nakakarating sa Great Wall, hindi ka pa isang tunay na lalaki" ay naging isang popular na salita. Ang great Wall ay isng pambihirang hiyas at isa ring di-pangkaraniwang sining na relikyang pangkasaysayan. Sumasagisag ito sa kalooba't lakas ng nasyong Tsino na mananatilli sa daigdig sa mahabang taon pang darating.

Okay. Ngayon ay labas naman tayo sa Beijing patungo lalawigang Anhui para dalawin ang Bundok Huangshan, na inilakip sa listahan ng world cultural and natural heritage.

Ang Huangshan

Nasa katimugan ng lalawigang Anhui ang Bundok Huangshan. Ang kabilugan nito'y nasa 250 kilometro, samantalang ang marikit na purok na nakapaligid dito ay 154 na kilometro kuwadrado. Tanyag sa daigdig ang magandang tanawing ito sa Tsina, at kilala ang bundok Huangshan, tulad ng Yellow River, Yangtze River at Great Wall, na isa pang sagisag ng nasyong Tsino.

Ang saklaw ng rehiyon ng Bundok Huangshan ay umaabot sa halos 1200 kilometrong kuwadrado at mayroon itong malalim na lambak, kaya nagbabagu-bago ang klima roon. Marami ring ulap at ulan.

Ang tanawin ng Huangshan ay parang larawang dulot ng kalikasan. Wala ritong magagara at kahanga-hangang templo ng budismo at palasyo. Likas na tanawing di-man lang ginayakan ang hain nito. Pinapurihan ito ng geographer ng Dinastiyang Ming na si Xuxiake, anya; hamak ang mga bundok sa loob at labas ng bansa, walang maipaparis sa Huangshan. Kapag ika'y aakyat sa Huangshan, parang wala nang ibang bundok sa mundo, wala itong kasing-ganda. Gumamit din ang mga tao ng pinakamagandang wika sa pagpuri sa Huangshan, anila: "Kawili-wiling bundok sa daigdig," "bundok salamangka" at "Paraiso ng sangkatauhan." Sa matulaing purok ng Huangshan, nagpapataasan at nagpapaligsahan sa kagandahan ang mga bundok, kalat-kalat pero maayos ang mga malalaki't maliliit na bundok, natural na natural at walang gayak.

Mayroon doong 77 bundok na mahigit 1000 metro ang taas, may 36 na malalaki't matatarik na bundok, may 36 na burol na napakatarik at napakarikit. May tatlong pangunahing tugatog ng Huangshan; ang Lianhuafeng o Lotus Peak, ang Guangmingding Peak, at ang Tiandufeng Peak na pawang mahigit sa l800 metro ang taas mula sa kapatagan ng dagat. Parang tatlong paa ng tripod ang mga iyon. Napakatarik at lumalagos sa alapaap. Tinagurian itong "tatlong mahal na anak ng kalangitan." Itinuturing na apat na katangian ng Bundok Huangshan ang tanawin ng kataka-takang puno ng pino, ang kakatuwang hugis ng mga bato, ang makapal na alapaap at ang mainit na bukal. Dahil dito'y napabantog sa daigdig ang bundok Huangshan. Magkaiba ang tanawin sa tagsibol, tag-init, taglagas at taglamig na pawang waring lugar ng mga diwata.

Ang Huangshan ay isa ring likas na zoo at botanical garden. Mayroon doong maraming klase ng bulaklak, matatandang punong kahoy, pambihirang ibon at hayop. Mayroon doong masaganang kayamanan ng ligaw na halaman (protophyte) at maiilap na hayop. May mga katutubong produkto ang Huangshan, tulad ng tsaa, kabuti, glossy ganoderma, labong, loquat, dalanghita, peras, kiwi, amber date, at ligaw na walnut. Kilalang-kilala sa loob at labas ng bansa ang tsaa ng Huangshan na gaya ng Huangshan Maofeng at Taipinghoukui at black tea na kumakatawan sa keemun black tea. Ang Huangshan Maofeng, Taipinghoukui at Dinggudafang ay kabilang sa 10 kilalang tsaa sa Tsina. Ang keemun black tea ay isa sa 3 primera klaseng mabangong tsa sa daigdig. Mayroon pang mabangong tsaa tulad ng Peony tea, at chrysanthemum tea at mga bagong linang na tsaa na tulad ng Zhulan tea at sampagita. Sinasabing "sa mga bantog na bundok, tiyak na may halamang gamut." Ang gongju tea ng Huangshan, isang klase ng Chrysanthemum ay isang klase ng mainam na inuming nakabubuti sa kalusugan. Noong unang panahon, ito'y itinuring na marangal na pangregalo sa emperador.

Hindi lamang may likas na kagandahan ang Huangshan, kundi nagtataglay din ito ng malalim na pakahulugang kultural para sa nasyong Tsino. Ang mga matatandang kalye, tulay, lapida at nayon at iba pang sinaunang architectural complex na nakakalat sa pagitan ng mga bundok ay nagpapakita ng kahali-halinang matandang kultura ng Huangshan. May mahigit 200 lilok na bato sa matatarik na dalisdis na nakabudbod sa pagitan ng mga bantog na ituktok at sapa. Ang Huangshan ay may mahigpit na kaugnayan sa relihiyon, lalo na sa Taoismo. Lamaganap din sa Huangshan ang Budismo. Sa umaabot sa mga l00 templo ang nakatirik sa kabundukan. Sa Xixian County at Tunxi sa paanan ng Huangshan ay may maraming relikyang pangkasaysayan. Dahi sa mga ito, higit na napabantog sa daigdig ang sining ng klasikal na arkitektura ng Dinastiyang Ming.

Ayon sa mga nakapamasyal na sa Huangshan, ang pangunahing melodiya ng bundok ay makikita sa tuktok ng bundok. At higit na maganda kapag may alapaap. May nagsabi ring napakarikit ng tatlong tugatog ng Qianshan, ibig sabihin: ang lotus Peak, Tiandu Peak at Yupin Peak. Ayon sa karanasan ng mga nakapamasyal na sa Huangshan, kailangang umakyat sa mga tugatog, kung hindi, hindi makikita ang pinakamarikit na tanawin.

Ayon sa isang opisyal na tagapagmasid ng Pamanang Kultural ng Daigdig, pambihirang masaksihan sa daigdig ang likas na kagandahan at likas na kultura ng Huangshan. Kabilang ang Huangshan sa mga mahahalaga't pambansang matulaing purok na unang inaprobahan ng kagawaran ng estado ng Tsina noong 1982. Inilakip ito ng UNESCO sa listahan ng world cultural and natural heritage noong l990. Ngayon, ito ay isang mahalagang kayamanan ng buong sangkatauhan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>