|
||||||||
|
||
20140130DZMEWikangTsino
|
Paki-klik ng audio file para mapakinggan kung paano bibigkasin ang mga parirala.
春(chūn)节(jié) 快(kuài)乐(lè)!Maligayang Spring Festival!
Sa Tsina, ang Chinese New Year ay tinatawag ding Spring Festival, pinakaimportante kapistahan sa Tsina. Ito ay ipinagdiriwang bilang pagpapaalam sa lumang taon at pagsalubong sa bago
春(chūn), tagsibol.
节(jié) , pestibal o piyesta.
春(chūn)节(jié), Pestibal na Pantagsibol.
快(kuài) , "maligaya, masaya"
乐(lè) , "maligaya, masaya."
Kung may mga kaibigang Tsino o Tsinoy na bumabati sa inyo ng 春(chūn)节(jié) 快(kuài)乐(lè), simple lang ang pagsagot. Ulitin lang ninyo ang salitang春(chūn)节(jié) 快(kuài)乐(lè).
Ang 过(guò)年(nián)好(hǎo) ay isa ring popular na pambati sa panahon ng Chinese New Year.
过(guò) ay nangangahulugang "palipasin"
年(nián), taon o bagong taon. 年(nián)
过(guò)年(nián), ipagdiwang o palipasin ang Chinese New Year.
好hǎo, mabuti
Tulad ng sa春(chūn)节(jié) 快(kuài)乐(lè), kung may mga kaibigang Tsino o Tsinoy na bababati sa inyo ng过(guò)年(nián)好(hǎo), sagutin lang ninyo ang过(guò)年(nián)好(hǎo).
春(chūn)节(jié) 快(kuài)乐(lè) at过(guò)年(nián)好(hǎo) sa inyong lahat, mga giliw na tagasubaybay. Maraming salamat sa inyong pagsali.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |