Sa panahon ng gagawing mga sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino (CPPCC), magdaraos ng preskon si Premyer Li Keqiang ng Tsina, at sasagutin niya ang mga tanong ng mga mamamahayag na Tsino at dayuhan hinggil sa mga suliraning panloob at panlabas ng Tsina, na gaya ng kabuhayan, pangangalaga sa kapaligiran, kaligtasan ng pagkain, social security, equal access sa edukasyon, papel ng Tsina sa mga suliraning pandaigdig, at mga iba pa.
Lalahok din sa preskong ito ang mamamahayag ng CRI, at maghaharap ng mga tanong. Kung mayroon kayong mga tanong sa premyer Tsino, ilalagay sa comment board sa ilalim ng pahinang ito. Posibleng idadala ng aming mamamahayag ang mga tanong ninyo sa premyer Tsino.