|
||||||||
|
||
Ang Peking Opera
Isasalaysay namin sa inyo ang hinggil sa isang sobrang kilala at mayamang tradisyonal na operang Tsino. Tinatawag ito na "Chinese heritage." Walang iba, kundi ang Beijing opera o Peking opera.
Ang Beijing opera ay isang uri ng Chinese theater na binubuo ng musika, boses, paggaya, pagsayaw, at acrobatics.
Kapag sinabing Beijing opera, ano ang naiiwan na pinakamalalim na impresyon sa inyo?
Facial make-up. Kapag nagtatanghal, heavy make-up ang mga performers. Makulay at exaggerated.
Ang mga facial make-up
Ang Beijing opera mask ay isa sa mga pinakapopular na pasalubong ng mga dayuhan pauwi para sa kanilang kaibigan sa iba't ibang bansa.
Ang iba't ibang kulay sa mukha ng mga performers ay may nakatakdang kahulugan at ipinakikita ang nagkakaibang characteristics at destiny ng mga karakter. Halimbawa, ang kulay pula ay nangangahulugang katapatan at katapangan. Ang kulay itim ay nagpapakita ng kalakasan at katalinuhan. Ang kulay ilaw at puti naman ay sumisimbolo sa kasamaan at pagkatuso. Ang kulay ginto at pilak ay sumasagisag sa misteryo, para sa mga diyos at halimaw.
Bukod dito, apat ang papel sa Beijing opera: ang Sheng o lalaki, Dan o babae, Jing o papel ng may pintang mukha, at ang Chou o payaso. Ang bawat papel ay may tiyak na estilo ng pagkanta at pag-arte.
Ang Sheng o papel ng lalaki ay nahahati sa tatlong kategorya: matanda, bata at eksperto sa matial arts.
Ang Dan o papel ng babae ay kinabibilangan ng mga bata at middle-aged, inosente at talipandas na babaeng marunong ng martial arts at matatandang babae.
Ang Jing o papel ng may pintang mukha ay kadalasang ginagampanan ng mga lalaking prangka at bukas ang isip, na may makukulay na pinta sa mukha.
Ang Chou o payaso ay makikilala sa pamamagitan ng isang puting guhit sa magkabilang tabi ng kanyang ilong. Ang tauhang ito kung minsan ay positibo, mabuti ang kalooban at nakakatawa, pero kung minsan naman ay negatibo, tuso, malisiyoso o hangal.
Ngayon, pakinggan muna natin ang isang obra: "Silang Tanmu" na itinatanghal ng Master na si Mei Lanfang.
Maarte/201402251.m4a
|
Alam mo ba? Sa "Silang Tanmu," gumanap si Master Mei ng papel ng babae kahit siya ay isang lalaki. At siya ang napakakilalang papel ng Dan o papel ng babae sa Peking Opera.
Si Mei Lanfang ay isinilang noong 1894. Noong 1919, nagtanghal si Mei sa Hapon, noong 1930, nagtanghal siya sa E.U. at noong 1934, nagtanghal siya sa Europa. May isang pelikulang Tsino base sa buong buhay ni Master Mei, at pinamagatan itong Forever Enthralled.
Bukod kay Master Mei Lanfang, 3 iba pa ang kilalang artistang lalaki sa papel ng Dan o papel ng babae. Sila ay sina Cheng Yanqiu, Xun Huisheng at Shang Xiaoyun. Pawang lalaki sila at tinatawag na 4 na paksyon. Iba't iba ang katangian ng pagtatanghal ng nasabing apat na paksyon.
Ano ang pagkakaiba sa kanila?
Ang paksyon ni Mei ay graceful. Halimbawa, ang Drunken Concubine. Pakinggan natin.
Maarte/201402252.m4a
|
Ang paksyon ni Shang ay bold and forthright. Halimbawa, ang Leifeng Pagoda. Pakinggan natin.
Maarte/201402253.m4a
|
Ang paksyon ni Cheng ay sweet and agreeable. Halimbawa, ang Cheng-chi's Captivity and Return.
Maarte/201402254.m4a
|
Ang paksyon ni Xun ay witty. Halimbawa, ang Treasure Case.
Maarte/201402255.m4a
|
Pagdating ng instrumento, pakinggan muna natin ang tinig ng Jinghu——napakadalas na ginagamit ng instrumento sa pagtanghal ng Peking Opera.
Pakinggan natin ang "New Year's Eve" na tinugtog ng Jinghu.
Maarte/201502256.m4a
|
Alam ba ninyo, noong 2010, inilakip ang Beijing opera sa listahan ng intangible cultural heritage ng United Nations Educational, Scientific and cultural Organization (UNESCO). Bakit? Dahil sa katangian, kagandahan, at siyempre, sa mahabang kasaysayan nito.
Bilang pambansang opera sa Tsina, ang Beijing Opera, na nagsimula noong huling dako ng ika-18 siglo ang pinakamaimpluwensiya at kinatawan ng lahat ng opera sa Tsina. Base sa tradisyonal na Anhui Opera noong 1790, inadopt din nito ang musika, at teknik ng pag-arte ng Kun Opera at Qinqiang Opera: gayon din ang tradisyonal na folk tune sa pag-unlad nito. Sa dakong huli ay nakabuo ng napakamakabagong musika at paraan ng pagtatanghal. Ito nga ang Beijing Opera.
Noong huling dako ng ika-19 na siglo hanggang unang dako ng ika-20 siglo, ang Beijing Opera ay nahahati sa mga maiikling kuwento, na makikilala sa pamamagitan ng pagkanta, at martial pieces (kinatatampukan ng acrobatics at stunts). Ang ilang pagtatanghal ng Beijing Opera ay mga kombinasyon ng naturang dalawang klase. Mayroon itong dalawang orkestra, kung saan ginagamit ang mga instrumentong de-kuwerdas na sinasaliwan ng kanta, at sinusundan ng isang di-mababagong pattern, pero may iba't-iba namang melodya at himig. Ang narinig po ninyong Jinghu naman ay isang maliit na bowed instrument na may dalawang kuwerdas: ito ang gulugod ng orkestra.
Ang mala-operang diyalogo at monologo ay tinutula sa diyalektong Beijing at ang ilan sa mga kataga ay binibigkas sa natatanging paraan.
Talagang medyo mahirap na naunawaan ang diyalogo ng Beijing opera para sa mga dayuhan. Pero, mauunawaan ninyo ang bahagi nito mula sa mga pagkilos ng mga aktor at aktres, dahil gumagamit sila ng mga matatag na pagkilos, na gaya ng paghimas ng balbas, pag-ayos ng sombrero, paghaltak ng manggas o pagtaas ng paa, upang ipahayag ang ilang imosyon at kahulugan.
Ang panginginig ng mga kamay at katawan ay nagpapakita ng labis na galit at ang paghaplit ng manggas ay nagpapahayag ng pagkainis. Kapag itinaas ng aktor ang kanyang kamay sa ibabaw ng kanyang ulo at inihaplit ang kanyang manggas sa likod, siya'y namangha o nagulat. Ipinapahayag ng isang aktor o aktres ang kanyang pagkahiya sa pamamagitan ng pagtatakip ng isang manggas sa kanyang mukha. Ang ilang paggalaw ay hindi madaling maunawaan. Kapag nababahala, hihimasin ng aktor ang kanyang mga kamay sa loob ng ilang minuto. Ang akrobatikong labanan sa Peking Opera, sa pagitan ng dalawang panig o labu-labo ay isang matalinong kombinasyon ng martial arts at pag-arte.
Ang costume ng Beijing opera ay nababase sa kasuotan noong Ming Dynasty. Ang mga prop ay kinabibilangan ng telon, tolda, payong, latigo, sagwan at sandata. Realistiko ang mga prop. Ang eksahirasyon at pagiging simboliko ay katangian ng opera. Ang paghawak ng latigo ay sapat nang nagpapakitang ang aktor ay nagpapatakbo ng kabayo. Ang ilang sundalo sa tanghalan ay maaaring kumatawan ng buong hukbo. Ang paglilibot ng aktor sa entablado ay nagpapahiwatig ng malayong paglalakbay. Kadalasa'y may isang mesa at ilang upuan lamang sa entablado. Ang diskripsiyon ng maraming situwasyon ay depende sa pagtatanghal ng mga aktor at aktres. Ang pagbubukas ng pinto, paglakad sa gabi, pagsasagwan ng bangka, pagkain, pag-inom at iba pa ay pawang ipinakikita sa pamamagitan ng estilo ng pagkilos ng mga aktor at aktres. Ginagamit din ng mga tagatanghal ang kanilang mga mata at pahiwatig ng mukha upang makatulong sa pagbibigay ng partikular na kahulugan.
Bukod sa Tsina, nakarating na ang Beijing opera sa maraming lugar, lalong lalo na, sa mga tinitirhan ng mga ethnic at overseas Chinese sa iba't ibang sulok ng daigdig. Ngayon, nagpapatuloy ang pag-unlad nito sa mas maraming dayuhan kasabay ng pagtatatag ng Confucius Institutes at Confucius Schools.
Binubuo ito ng maraming elemento ng tradisyonal na sining Tsino. Para sa mga mahilig sa operang Tsino, irerekomend namin sa inyo ang susunod na mga kilalang obra.
Farewell My Concubine——The woman, Consort Yu, deeply loved the King Xiang Yu (middle of the stage), and when he failed in the war, she committed suicide for him.
Maarte/201402257.m4a
|
Generals of the Yang Family legends——isang mahabang saga tungkol sa 4 na henerasyong paglaban ng pamilyang Yang sa mga mananalakay sa bansa noong panahon ng Song Dynasty.
Maarte/201402258.m4a
|
Journey to the West——Sun Wukong, kasama ng isang monghe at iba pang mga demons papunta ng India para mangalap ng mga aral ng Budismo.
Maarte/201402259.m4a
|
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |