Sa 239 na sakay ng nawawalang Flight MH370 ng Malaysia Airlines, 18 ang mga kilalang calligraphic artists at pintor mula sa Tsina at 7 ang kani-kanilang mga kamag-anakan. Sila ay lumahok sa isang eksibisyon sa Malaysia, at sumakay ng naturang eroplano pauwi sa Beijing. Ang eksibisyong ito ay naglalayong pasulungin ang pagpapalitang kultural ng Tsina at Malaysia, at ipagdiwang din ang ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa. Ipagdasal natin ang naturang mga alagad ng sining na Tsino, at mga iba pang pasahero at ang crew members ng MH370.
Ang mga sumusunod ay ilan sa nabanggit na 18 alagad ng sning na Tsino at ang kanilang mga obra maestra.
Maimaitijiang Abula, oil painter mula sa etnikong Uygur ng Tsina. Marami siyang natanggap na gantimpala sa mga pambansang paligsahan ng pagpipinta.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14