|
||||||||
|
||
melo20140318.m4a
|
Subalit nakita ang katatagan ng ekonomiya ng Pilipinas, ani Governor Tetangco sa Year-End Philippine Economic Briefing sa Philippine International Convention Center sa Pasay City kaninang umaga.
Patuloy na lumago ang ekonomiya ng 7.2% noong 2013 at nalampasan ang tinaya ng pamahalaang mula anim hanggang pitong porsieyento para sa buong taon. Ang inflation ay nasa pag-itan ng 3-5 porsiyento.
Naging matatag din ang banking system sa Pilipinas, matibay ang external accounts dala ng mga salaping mula sa mga nasa ibang bansa at kita mula sa Business Process Outsourcing industry.
Sa mga pangyayaring ito, mayroon pa ring ilang bansang nalampasan sa tatag ng ekonomiya ng Pilipinas. Mayroong pag-aatubili ng global investors dahilan sa kawalan ng katiyakan kung anong gagawin ng Federal Reserve ng Estados Unidos. May pangambang baka maging dahilan ng capital outflows at magkaroon ng mas masidhing financial market volatility. Magpapatuloy umano ang mabagal na kaunlaran sa Asia na maaaring makaapekto sa intra-Asian trade. Ang kawalan ng katiyakan sa larangan ng politika ay maaaring magpayanig sa international commodity prices, global financial markets at mapawi ang global growth prospects.
Sa Pilipinas, sinabi ni Governor Tetangco na kailangang maging mapagbantay sa ginagawang disaster risk management efforts na maaaring makaapekto sa growth performance ng Pilipinas, pagtaas ng domestic utility rates na magpapagalaw sa inflation expectations at magdulot ng peligro sa financial stability.
Palalakasin ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga alituntuning isinasaad ng macrofundamentals. Babantayan ang monetary conditions. Sa kanilang pagsusuri, manageable pa rin ang inflation. Mananatili ito sa forecast range ng pamahalaan. Babantayan din ng BSP ang paggalaw ng exchange rate. Sa kanilang pag-aaral, suportado ang Philippine peso ng kaunlaran sa ekonomiya at sa Balance of Payment Surplus.
Magmamatyag din sila sa maaaring pagmulan ng mga peligro sa mga bangko. Sa mga paraang ito, mananatili ang matatag na presyo at competitive exchange rate at matatag na banking system.
Hindi umano sapat ang katatagan sapagkat ang kailangan ay pagpapanatili ng inclusive growth.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |