|
||||||||
|
||
musika
larawan
Ayon sa mga lokal na alamat, si Liu Sanjie ay isang kilalang folk singer noong Tang Dynasty, mahigit 1,000 taon na ang nakakalipas. Siya raw ay hindi lamang maganda, kundi mahusay rin sa pagkanta. Ang mga folk song ng Lahing Zhuang ay ginagawa o kinakatha ora mismo. At si Liu Sanjie ay magaling sa ora mismong pagkatha ng mga awit. Noong siya ay 12 taong gulang pa lamang, nakalikha na siya ng awit. At sa edad na 17 taong gulang, si Liu Sanjie ay siya nang pinakakilalang folk singer sa kanyang lokalidad. Pakinggan natin ang isa sa mga awiting nilikha ni Liu Sanjie, at isa rin sa pinakakilalang folk song na kabisadong kabisado ng maraming karaniwang Tsino.
musika
Ayon sa alamat, na-inlove ang magandang si Liu Sanjie sa isang gwapong lalaki na nagngangalang A-Niu Ge, at ang lalaking ito ay isang mahusay na folk singer din.
May isang kagawian ang mga mamamayan ng Lahing Zhuang, at ito ay ang pagtatanong at pagsagot sa pamamagitan ng awit. Ang lalaki ay magtatanong sa porma ng isang awit at ang babae naman ay sasagot din sa porma ng isang awit. Ito ay isang espesyal na uri ng komunikasyon, at sa pamamagitan nito, ang mga di-pa magkakilala ay maaaring magkamabutihan. Halimbawa, ang isang lalaki ay kakanta ng "Ako ay simpatiko, ang pangalang ko ay A-Niu, naninirahan ko sa Barangay Li, dalaga, ano ang pangalan mo?" Sasagot naman ang babae ng "ako ay taga-barangay Liu, Sanjie ang aking pangalan." Kung minsan, isang ilang bugtong ang ibinibigay ng isang panig para sa kabila. Halimbawa, "isang prinsesa, nakaupo sa tasa o hindi tao, hindi hayop, pero mayroong ulo."
Ang mga folk song ng lahing Zhuang ay magandang pick-up line. Dahil noong unang panahon, wala pang social media. Ang folk song ang ginagamit nilang paraan upang makilala ang isat-isa. Para sa mga magsasaka, napakahirap na makakita at makakilala ng ng bagong mukha, kaya naman sa pamamagitan ng pag-awit, napagtatagumpayan nila ang pagkamahiyain, at nagkakaroon sila ng pagkakataon na makipag-usap sa isang bagong kakilala, kapag may pagkakataon.
Ayon sa kuwento, si Liu Sanjie at A-Niu Ge ay na-inlove sa isat-isa sa pamamagitan ng "pagsasagutan ng kinatha nilang awit." Ngayon, pakinggan natin ang "pagsasagutan ng awit" ng mga lalaki at babae ng Lahing Zhuang.
musika
Bilang paggunita kay Liu Sanjie, bawat ika-3 ng Marso, idinaraos ng mga mamamayan ng Lahing Zhuang ang folk-song competition.
larawan
"Impression, Liu Sanjie"ay isang outdoor folk musical na ginagawa sa Ilog Li at ang mga burol sa kabilang pampang ng ilog ang nagsisilbing entablado nito. Ang direktor nito ay Si Zhang Yimou, isang kilalang film director ng China; at siya ay naging kilala sa buong mundo bilang direktor ng seremonya ng pagbubukas ng 2008 Beijing Olympic Games.
Kung bibisita ka sa Yangshuo, Guangxi, puwede mong mapanood ang pagtatanghal ng "Impression Liu Sanjie," ang presyo ng ticket ay mula 198 yuan RMB hanggang 680 yuan RMB. Ang presyo ay batay sa iyong upuan, ordinary o VIP. May dalawang performance bawat gabi, at ang bawat performance ay tumatagal nang isang oras at 30 minuto. Sa karaniwan, nagsisimula ang unang performance sa 8:00PM mula Abril hanggang Oktubre, at mula Nobyembre hanggang Marso, mas umagang, sinisimulan ang unang performance, 7:45pm..
Pakinggan natin ang isang pang bahagi ng "Impression Liu Sanjie." Ang bahaging ito ay naglalarawan kung paano nagkaibigan sina Liu Sanjie at A-Niu Ge.
musika
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |