Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-10 2014

(GMT+08:00) 2014-03-27 17:18:07       CRI

March 9, 2014 (Sunday)

Quote for the day: "Poetry is the mother tongue of the human race."—Johann Georg Hamann

Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong magpapatalo sa problema dahil kayang-kaya ninyong igupo iyan kung gugustuhin ninyo. Sabi nga ng mga makaranasang tao, "Kung may problema, may solusyon." Kaya, cool lang kayo. Cool, man, cool.

Bukod sa mga piling awitin, tampok rin sa programa ngayong gabi ang mga SMS, e-mail at snail mail mula sa mga tagapakinig at ang pinananabikan ng marami na pagluluto ng isang Chinese recipe. Kaya, huwag kayong aalis sa tabi ng inyong mga radyo at samahan ninyo ang inyong loving DJ sa susunod na tatlumpung minuto dito sa Gabi ng Musika atbp.

Johann Georg Hamann

Happy birthday kay Christine ng Malaybalay, Bukidnon. Nag-celebrate siya ng kanyang birthday kahapon at sinabi niya sa kanyang SMS na natanggap na niya iyong padala kong transistor radio at siya ay lubos na nagpapasalamat. Naku, huh, Walang anuman Christine at salamat din sa SMS.

Tunghayan natin ang ilang piling e-mails.

Sabi ni Pat Cusi ng Atimonan, Quezon: "Ipagdasal natin ang bansang Ukraine para matapos na ang krisis dito sa lalong madaling panahon. Puwede itong pagmulan ng hindi maganda kung hindi maghuhunusdili ang mga may kinalamang panig. Marami na masyadong gulo sa mundo at huwag na nating dagdagan pa.

Ukraine: Hanggang Kailang ang Krisis?

Sabi naman ni Stephanie Lim ng C. M. Recto, Sta. Cruz, Manila: "Kahit hindi nila sabihin na maunlad na ang ating ekonomiya kung mababawasan naman ang mga walang trabaho, bababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin at magmumura ang koryente at iba pang gastusin, magiging haping-happy tayo.

Salamat sa inyong e-mails, Pat at Stephanie. May God love you…

UNFORGETTABLE

(NAT KING COLE AND NATALIE COLE)

Iyan, narinig ninyo ang ating pambungad na bilang, "Unforgettable," na inawit ni Nat King Cole at ng kanyang anak na si Natalie. Ang track na iyan ay lifted sa album na pinamagatang "The World of Nat King Cole."

Bigyang-daan natin ang mga mensahe mula sa ating texters.

Sabi ng +63 918 730 5080: ""Hi, Kuya Ramon! Sana mapagtuunan ng pansin ng kinauukulan natin iyong toilet dun sa airport natin. Parang hindi name-maintain, eh."

Sabi naman ng +63 906 201 1704: "Greetings from the ever beautiful city of Cebu. Sana ok lang kayong lahat diyan, Kuya Ramon! Dumaan na ang Lantern Festival. How was the celebration?"

Sabi naman ng +86 134 263 77760: "Tama lang naman na maging charitable tayo, pero charity begins at home. Baka naman iyong mga sarili natin makalimutan natin. Huwag namang ganun."

Sabi naman ng +41 787 811 412: "Hi, Kuya Ramon! Good news! Masipag na akong magluto at nag-aaral ako ng mga bagong recipe. Thanks for the inspiration."

At sabi naman ng +63 928 001 4204: "Type ko yung mga oldies na pinatutugtog mo. They bring back the good old days, the sweetest memories of the past. Ang sarap makinig."

Super salamat sa inyong text messages…

LOVE BIRDS

(F. I. R.)

Iyan naman ang "Love Birds," sa pag-awit ng F. I. R. Ang track na iyan ay hango sa album na pinamagatang "Unlimited."

Narinig na ba ninyo iyong Chinese dish na Salt-baked Chicken? Iyan ang lulutuin natin ngayong gabi. Pangkaraniwan lang ang putaheng iyan pero hindi iyan pinagsasawaan ng marami.

Salt-baked Chicken 

So, ihanda ninyo ang inyong mga notebook at ballpen at narito ang mga dapat ninyong bilihin sa pagluluto ng Salt-baked Chicken:

1 sariwang manok na tumitimbang ng isa't kalahating kilo

2 kutsarita ng ginger sauce

2 kutsarita ng Chinese rice wine

2 kutsarita ng peanut oil

3 spring onions (iyong chopped)

4 na malaking piraso ng greaseproof paper at

3 kilo ng magaspang na asin

Ngayon, simulan na natin ang pagluluto.

Pahiran ng ginger sauce at rice wine ang loob ng tiyan ng manok, tapos

pahiran ng langis ang balat.

Palamanan ang tiyan ng manok ng spring onion tapos balutin ang katawan

nito ng dalawang layers ng greasproof papers. Siguruhin na greaseproof

paper ang gagamitin at hindi ordinaryong wax paper.

Mag-init ng asin sa kawali sa loob ng sampung minuto. Alisin ang kalahati

ng asin. Bahagyang ilubog nang padapa ang manok sa natitirang asin.

Takpan ang kawali at iluto ang manok sa mahinang apoy sa loob ng isang

oras. Kung hindi naman, lutuin ang manok na nakababad sa asin sa

may-katamtamang init na oven sa loob ng isang oras.

Alisin ang manok sa asin tapos tanggalin ang wrapping paper. Hiwa-hiwain

ang manok bago ilagay sa serving dish at isilbing kasabay ang Chinese

peanut-oil sauce.

Sana nasiyahan kayo sa aming cooking demo ngayong gabi. Pwede na ninyong lutuin iyan sa inyong sarili at nasisiguro ko na matutuwa ang sinumang makakatikim ng inyong luto. Itong muli si Cielo. Happy cooking sa inyong lahat.

ARE YOU LONESOME TONIGHT

(BARRY MANILOW)

Iyan naman ang sariling version ni Barry Manilow ng awiting "Are You Lonesome Tonight," na buhat sa album na pinamagatang "The Ultimate."

Mayroon pa ditong e-mail. Ang nagpadala ay si Gladys ng Shunyi, Beijing, China. Sabi ng sulat: "Para sa akin, walang kaso kung magparami ng anak ang mag-asawa kung kaya nilang buhayin nang maayos ang maraming anak. Pero kung kulang pa sa kanila ang kanilang kinikita, siguro hindi na iyon makatuwiran. Pag ganyan, dapat na rin silang mag-isip-isip."

Salamat sa e-mail, Gladys.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number (Smart Buddy) 0921 257 2397.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>