|
||||||||
|
||
Maarte/20140401.m4a
|
Ang Long Song ay mahalagang bahagi ng mga awit ng lahing Mongolian. Tinatawag itong "Long Song," hindi dahil mahaba ang kanta, kundi dahil, mahaba ang bawat na syllable. Sa isang 4 na minutong kanta, posibleng may 10 salita lamang.
Ang mga lyrics ng Long Song ay philosophical, religious, romantic, or celebratory. Ang mga tema ay kinabibilangan ng pagpapastol, nostalgia, pagpapakasal, pag-inom at pagsasaya, etc.
Sa isang Long Song, hinggil sa pagpapastol na pinamagatang "Romance of the Grassland," hindi Mandarin ang lyrics ng kanta, pero wikang Mongolian. Ang mahigit 3 minutong kanta ay may dalawang pangungusap lamang. Ito ay ang "Sa malawak damuhan, di ko alam kung saan matatagpuan ang mga mudflat," at "Kahit nakita ang magandang binibini, di ko alam ang kanyang pakay." Bukod dito, napakahaba ng bawat salita!
Mahigit 1,000 taon na ang nakararaan, ang mga Mongolian ay lumipat sa highland mula sa mountain forest sa pampang ng Ergun River. Nagbago rin ang kanilang lifestyle---mula pangangaso sa pag-aalaga ng hayop. Kasabay nito, nagbago rin ang kanilang mga awit. Karamihan ay tungkol sa damuhan, kabayo, camel, tupa, asul na langit, puting ulap, ilog, lawa, at iba pa.
Nagkakaiba rin ang mga stringed instrument na ginagamit ng mga Mongolian bilang pansaliw. Tinatawag itong "Matou Qin" o "morin huur." Mayroon itong dalawang kuwerdas, trapezoid ang hugis ng katawan, at sa bandang dulo ng manggo ay may disenyong ulo ng kabayo.
Ang Long Song ay inaawit, hindi lamang sa Inner Mongolia, kundi sa Republika ng Mongolia.
Noong 2005, inilakip ng UNESCO sa listahan ng Masterpieces of the Oral and Intangible Heritage of Humanity ang Mongolian Long Song ng kapwa Tsina at Mongolia. Ang "Matou Qin" naman ay naging Intangible Cultural Heritage ng Tsina noong 2006.
Si Hajab ay itinuturing na dalubhasa sa mga awit na may temang pagpapastol. Siya ang siya katang-tanging tao na bihasa sa lahat ng uri ng Long Song. Hinubog siya ng maraming kilalang artistang Mongolian. Noong 1995, iginawad sa kanya ng pamahalaan ng Inner Mongolia ang titulong "Hari ng Mongolian Long Song." Ngunit, noong 2005, sumakabilang buhay siya. Kasabay ng kanyang pagpanaw, ang pagpanaw rin ng ilan sa mga estilo ng Long Song.
Nagbabago ang lifestyle ng mga mamamayan ng Inner Mongolia. Mas marami nang tao sa ngayon ang nakatira sa mga gusali, sa halip na damuhan, at namumuhay sila base sa kanilang trabaho tulad ng Lahing Han. Kasabay nito, nagbago rin ang kanilang estilo sa pagkanta at pag-arte.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |