Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga Mongolian folk singer

(GMT+08:00) 2014-04-14 18:39:20       CRI

Isasalaysay namin sa inyo ang hinggil sa tatlong artisa ng mga Mongolian folk singer at ang kanilang mga awit.

Si De De Ma

Si De De Ma ay ang estudyante ni Hajab, dalubhasa ng estilong pamamastol ng Long Song at katang-tanging taong may talento sa lahat ng kakayahan sa Long Song. Kaya, mula sa mga awit ni De De Ma, maririnig natin ang kombanisyon ng Long Song at Bel Canto.

Ang "The Beautiful Grassland Is My Home" ay naglalarawan sa maganda at marikit na damuhan: berde, makulay na bulaklak, mga lumilipad na mga paru-paro, humuhuning mga ibon, ilog na may dalisay na tubig, mga ulap na animo'y mga tumatakbong kabayo, mga pinapastol na tupa at baka; mga boses ng mga umaawit na pastol na kumakalat hanggang sa malayong lugar.

Isinilang ni De De Ma noong 1948 sa Inner Mongolia at lumahok siya sa grupong pansining ng lokalidad noong 12 taong gulang pa lamang siya. Noon nagsimula ang kanyang karera bilang isang artistang Mongolian.

Naging bantog si De De Ma noong edad 20 anyos dahil sa "The Beautiful Grassland Is My Home." Pagkaraan niyang makilala, dumami nang dumami ang kanyang palabas. Mayroon siyang alta presyon, at dahil dito, inatake siya sa puso at naparalisa kanyang kanang katawan noong 50 taong gulang siya. Pero, sa kabila nito, iginiit pa rin niya ang pagkanta. Noong 2002, itinayo niya ang isang paaralang pansining para mahubog ang mga anak ng mga pastol para ipagpatuloy ang sining na Mongolian.

Si Tengri

Ang awit na pinamagatang "Mongolian" ay masterpiece ni Tengri, isa pang kilalang Mongolian singer ng Tsina.

Sa kantang ito, ipinakikita ni Tengri ang buhay ng mga Mongolian. Ayon sa kanta, isinilang ako sa Yurt, naglalaro ako sa damuhan, uminom ako ng tubig sa ilog. Ito nga ang Mongolia.

Isinilang si Tengri noong 1960. Mas bata siya kaysa kay De De Ma, kaya mas moderno ang kanyang kanta. May elemento ng pop music ang kanyang kantang tungkol sa damuhan.

Simple ang lyrics at rhythm, maganda ang boses ni Tengri at punung-puno ng damdamin. Noong 2001, nakuha ng kantang ito ang parangal na tanso sa pinakamataas na karangalan sa sirkulo ng musikang Tsino---The Chinese Golden Bell Award for Music. Noong Setyembre ng taong ito, matagumpay na nagdaos si Tengri ng konsiyerto sa Amerika, at inawit niya ang "Heaven" bilang paggunita sa mga biktima ng 9.11 terrorist attack sa New York.

Si Bu Ren Ba Ya Er

Ngayon, isasalaysay namin sa inyo ang kuwento ng isang katrabaho naming, dito sa aming himpilan. Siya si Bu Ren Ba Ya Er, isang host ng Mongolian Service. Siya ngayon ay isang kilalang mang-aawit at ang "Sambo auspicious" ang kanyang masterpiece. Inawit ito ni Bu Ren Ba Ya Er, ang kanyang asawa at kanilang pamangking babae.

Hindi ito katulad ng karaniwang Mongolian song, ito ay tanong at sagot sa pagitan ng isang pamilya. Masaya at magaan.

Ang "Sambo auspicious"

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>