|
||||||||
|
||
20140323ramon.m4a
|
March 23, 2014 (Sunday)
Quote for the day: "An unexamined life is not worth living."-- Socrates
Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong magpapagupo sa problema dahil kayang-kaya ninyong igupo iyan kung gugustuhin ninyo. Sabi nga ng mga makaranasang tao, "Kung may problema, may solusyon." Kaya, cool lang kayo. Cool men, cool!
Bukod sa mga piling awitin, tampok din sa programa ngayong gabi ang mga SMS, e-mail at snail mail mula sa mga tagapakinig at ang pinananabikan ng marami na pagluluto ng isang Chinese recipe. Kaya huwag kayong aalis sa tabi ng inyong mga radyo at samahan ninyo ang inyong loving DJ sa susunod na tatlumpung minuto rito sa Gabi ng Musika atbp.
Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.
Sabi ni Jennifer Cunanan ng Shunyi, Beijing, China: "Naintindihan ko ang pagwawala ng mga kamag-anak ng mga pasahero ng nawawalang eroplano ng Malaysia Airlines. Kung anu-ano kasing balita ang lumalabas at hindi mo malaman kung alin duon ang totoo. Sana iwasan ng media na maglabas ng mga speculation para hindi na madagdagan ang sama ng loob ng mga miyembro ng pamilya ng mga pasahero ng nawawalang eroplano."
Sabi naman ni Lucy ng New Territories, Hong Kong: "Sa tingin ko, hindi makakatulong ang economic sanctions ng Western countries sa Russia. Mas lalo lang yung magpapagulo sa situation. Bakit hindi na lang sila muna mag-usap nang tapatan at kung walang mangyayari sa kabila ng kanilang pagsisikap, atsaka na sila gumawa ng mas mabigat na measures."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.
YOU DON'T KNOW ME
(PETER CINCOTTI)
Narinig ninyo ang ating pambungad na bilang, "You Don't Know Me," sa sariling version ni Peter Cincotti. Ang track na iyan ay lifted sa collective album na pinamagatang "Closer: When Pop Meets Jazz."
Tunghayan naman natin ang ilang SMS.
Sabi ng +63 919 644 8266: "Iyong sinasabi ninyong stereotype hinggil sa mga Pilipino e totoo namang very unfair, eh. Hindi naman nila kilala lahat ng mga Pilipino paano nila sasabihin na ganito at ganun nga tayo? Sana magdahan-dahan naman sila sa paggawa ng generalization."
Sabi naman ng +63 921 542 6454: "Kuya, iyong ibinigay mo sa aking textmate hindi na nagri-reply. Naghahanap ata yun ng beauty kasi ok naman communication namin until na mag-send ako ng picture. Bigyan mo na lang ako ng iba. Send ko sayo picture ko…"
Sabi naman ng +41 787 811 412: "Ang signs of the times natin ngayon ay iyong mga demonstrations sa iba't ibang lugar ng mundo kasama na iyong kaguluhan sa Ukraine na maaring pagmulan ng digmaan kung hindi maaagapan. Ano ba ang nangyayari sa mundong ibabaw?"
Sabi naman ng +63 910 880 1144: "Masaya ako kasi nanalo ng Oscar Award yung "Gravity," na number one choice ko dahil sa magaganda at difficult shots. Very particular ako talaga sa cinematography, eh."
Sabi naman ng +86 134 263 77760: "Sana mapadalhan mo ako ng souvenir item na may kinalaman sa Year of the Horse. Salamat sa gift mo. Para saan ba yun? Sa Christmas ba o sa Valentine's Day? Ask ko lang naman, hehehe…"
Many, many thanks sa inyong mga SMS…
YOU ARE MY ROSE
(PANG LONG)
"You Are My Rose," inawit ni Pang Long at hango sa album na may katulad na pamagat.
Ngayon, tingnan naman natin kung ano ang laman ng kusina ni Kuya Ramon. Narito ang ipinagmamalaki nating cook, ang walang kasing-cute na si Cielo.
Hello mga friends! Narito na namang muli si Cielo at ngayong gabi susubukin nating magluto ng isang simpleng lutong-bahay na siguradong magugustuhan ninyong lahat. Ito iyong tinatawag na Chinese Cabbage with Pork or Prawns; ibig sabihin, puwede kayong gumamit ng pork o prawns.
Chinese Cabbage with Pork or Prawns
Ngayon, ihanda niyo na ang inyong mga notebook at ballpen at narito na ang mga sangkap:
Kalahating Chinese cabbage
2 kutsarang cooking oil
Kalahating sibuyas, hiniwa nang manipis
60 grams ng pork o kung hindi naman ay prawns na inalisan ng balat
Tubig o sabaw ng manok (ayon sa pangangailangan ang dami)
¼ na kutsarita ng asin
Isang kutsarita ng malabnaw na soy sauce
Narito naman ang paraan ng pagluluto:
Hugasan ang Chinese cabbage at hiwa-hiwain sa sukat na four centimeters. Ihiwalay ang tangkay sa dahon.
Mag-init ng mantika sa kawali at igisa ang bawang at luya hanggang sa magkulay brown. Ihulog ang pork o prawns at ilaga sa loob ng ilang minuto hanggang sa magbago ang kulay. Ihalo ang tangkay ng cabbage at igisa sa loob ng dalawang minuto tapos isunod ang dahon at ituloy ang paggisa sa loob pa ng dalawang minuto. Ibuhos ang tubig o sabaw ng manok tapos lagyan ng asin at soy sauce. Takpan ang kawali at ilaga ang cabbage sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto hanggang sa maluto. Pagkaraan niyan, puwede nang i-serve.
CRYING
(DON MCLEAN)
Iyan naman ang awiting "Crying," na inihatid sa ating masayang pakikikinig ni Don McLean. Ang track na iyan ay buhat sa album na pinamagatang "Don Mclean's Greatest Hits."
May e-mail si Vivian ng Sampaloc, Manila. Sabi ng sulat: "Kuya Ramon, natanggap ko na iyong padala mong "I Climbed the Great Wall" t-shirt at iyong stuffed toy na kabayo para sa Year of the Horse. Many, many thanks at gusto kong ipaalam sa iyo na enjoy kaming lahat dito ng pakikinig sa Cooking Show ni Ate Cielo. Sana magtagal pa ito sa air. Salamat uli and God bless."
You are most welcome, Vivian, at salamat din sa pakikinig.
Happy listening kina Rolly de Mesa ng Makati City; Stephanie Lim ng C. M. Recto, Sta. Cruz, Manila; May Lesaca ng San Juan, Metro Manila; Divine Garcia ng Congressional Road, Project 8, Quezon City; Elycia Tupas ng Quirino Highway, Malate, Manila; at Ed Tamayo ng United Paranaque.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Smart Buddy) 0921 257 2397.
>>>> Blog ni Kuya Ramon
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |