Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tuloy ang modernization ng Armed Forces of the Philippines

(GMT+08:00) 2014-04-25 18:25:49       CRI

Pahayag ng National Democratic Front, pinabulaanan

WALANG katotohanan ng nabalitang pagtanggi ng pamahalaang dalawin nina Randall Echanis at Rafael Baylosis ng National Democratic Front sina Wilma at Benito Tiamzon sa PNP Custodial Center.

Ayon sa tanggapan ni Kaliim Teresita Quintos-Deles ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, niliwanag ng PNP duty officer noong ika-13 ng Abril, Linggo, na kailangang magkaroon ng isang linggong palugit upang maproseso ang mga kaihilingang dumalaw. Dala nina G. Echanis at Baylosis ang letter request mula sa grupong SELDA noong araw ding iyon. Sinabihan umano ng pulisya na hindi mapagbibigyan ang kanilang kahilingan at kailangang magkaroon ng bagong takdang petsa ng pagdalaw.

Prayoridad ang ibinibigay sa mga pinakamalapit na kamag-anak, mga abogado, mga manggagamot at ang mga hindi kabilang sa talaang ito ay papasailalim sa karaniwang proseso na mangangailangan ng application na kailangang isumite ilang araw bago ang takdang pagdalaw.

Nagdadalawang-isip na umano ang OPAPP na magpadala ng endorsement sa PNP sa kahilingan ng NDF sa pamamagitan ni Issa Dumanjug Palo ng Monitoring Committee for Human Rights Secretariat na magkaroon ng bagong petsa sa pagdalaw.

Pangulo ng CBCP, nanawagan

SINABI ni Arsobispo Socrates B. Villegas, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na maraming mga Pilipino ang nagugumon sa pag-inom ng alak at sobrang pagkain upang makatugon sa stress.

Sa isang pahayag, sinabi ni Arsobispo Villegas na mas makabubuting magkaroon ng bagong istilo ng pamumuhay na ang diin ay sa magandang kalusugan at mas magandang pananaw sa buhay.

Sa kanyang Easter Pastoral Introduction on the Stewardship of Health, sinabi niya na ang pagkain at paginom na nararapat lamang "in moderation" at kailangan din ang pag-eehersisyo.

Ilan sa mga nangungunang dahilan ng kamatayan sa Pilipinas ay sakit sa puso, diabetes at cancer na lumulubha sa walang humpay na pagkain at pag-inom. Ang pagkakaroon ng magandang kalusugan ay mahalaga lalo't may sapat na pahinga at pagdidiyeta.


1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>