Dalawang kawani ng Kagawaran ng Pagsasaka, dalawang iba pa, nasawi
NASAWI ang dalawang kawani ng Bureau of Soils and Water Management sa pagbagsak ng isang eroplanong nasa cloud seeding mission sa Bagabag, Nueva Vizcaya upang magka-ulan sa Magat Dam.
Ayon sa naunang ulat ni BSWM Director Silvino Tejada kay Kalihim Proceso J. Alcala, ang six-seater Beechcraft Baron jet na sinasakyan ni Leilani Naga at Engr. Melvin Simangan, pilotong si Philipine Jubane at crew na si Christopher Evan Borja ang nasa Bagabag ng sumabog ang eroplano sa himpapawid bago sumapit ang ika-apat ng hapon kahapon. Bumagsak ito sa isang sakahan.
Pag-aari ng Grand Aviators Aviation Corporation ang eroplanong lumisan sa Cauayan Airport sa Isabela at nasa ikalima at huling paglalakbay. Na sa ilalim ng SN Aboitiz Power-Magat Inc. ang paglalakbay at cloud-seeding.
1 2 3 4 5