Ang kwento ay tungkol sa May-December love affair ni Ya Peng (Zhang Hanyu) at Xiao Le (Wang Luodan). Si Ya Peng ay 38 years old na pero binata pa samantala si Xiao Le ay 20 anyos na dalaga.
Nakabibighani si Xiao Le at talagang napaka bubbly ng personalidad niya. Carefree funloving at spontaneous. Samantala napaka siryosong CEO naman ni Ya Peng Kalaunan ay nahulog ang loob nila sa isa't isa. Pero dahil sa isang birthday prank, nagdisisyon si Ya Peng na ayaw na niyang sakyan ang mga kalokohan ni Xiao Le at nakipagkalas na ito sa batang batang nobya.
Pero hindi pa handang kumalas si Xiao Le sa kanyang nobyo kayo gumawa ito ng paraan at nagpursige para matanto ni Ya Pengna siya talaga ang babae para sa kanya at wala ng iba ang tunay na magmamahal dito.
Pakinggan ang talakayan ng mga movie buddies sa Love Me For Loving You sa Pelikulang Tsino Nood Tayo.
![]( /mmsource/images/2014/05/06/e60b743deabd4f8194c09987c9ae2677.jpg)
Ang dalawang bida
1 2 3