Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sani folk song at kuwento ni Ashima

(GMT+08:00) 2014-05-23 16:19:42       CRI
Ang mga lalawigang Yunnan, Sichuan at Guizhou sa dakong timog kanluran ng Tsina ang tirahan ng mga Lahing Yi. May mahigit 8.7 milyon ang populasyon ng lahing ito, at ito rin ang ika-6 na pinakamalaking populasyon ng mga minoriya, sa lahat ng 56 na lipi ng Tsina. Ang Lahing Yi ay may iba't ibang sangay, halimbawa, ang Nisu, Nasu, Axi, Sani at iba pa. Ngayong gabi, isasalaysay namin ang sining ng pag-awit ng mga Sani.

Ang mga Sani ay naninirahan sa Lalawigang Yunnan. Ang awit na ito ay isa sa mga pinakakilalang folk song ngayon sa Tsina. Ito ay may pamagat na "Yuan Fang De Ke Ren, Qing Ni Liu Xia Lai,(远方的客人请你留下来)" o "Ang mga bisita mula sa malayong lugar, huwag umalis." Ito ay katha ni Qu Bi A Wu(曲比阿乌), isang mang-aawit ng Lahing Yi.


Ang lalawigang Yunnan, ay may maraming mga bundok at ilog, maganda ang tanawin at maganda rin ang mga babae. Ang kuwento ng Ashima ay fairy tale hinggil sa isang magandang dalaga na nagngangalang Ashima. At salamat sa pelikuang "Ashima" na ginawang fairy tale noong 1964, kinikilala ang kuwentong ito ng mga karaniwang Tsino. Maganda ang mga musika sa pelikulang ito, at ang melodiya ay kabisadong kabisado ng maraming tagasubaybay na Tsino. Ngayon, pakinggan natin ang isa sa mga interlude song sa pelikuang "Ashima(阿诗玛)." Ang "Hu Shui Chang, Qing You Liang,(湖水长,清又凉) o "The water in the lake, clear and cool. "

Ang pelikuang "Ashima" na ginawang fairy tale noong 1964


Ang Ashima ay isang kilalang kuwento ng mga Sani. Sa tradisyonal na kapistahan ng Sani, natalo ni A Hei sa archery at wrestling si A Zhi, anak ng isang mayamang pamilya. Kaya maaari na siyang magpakasal kay Ashima. Pero, gusto ni A Zhi si Ashima. Nang magpastol si A Hei sa ibang lugar, dinukot ni A Zhi si Ashima. Hindi sumang-ayon si Ashima na magkasal kay A Zhi, kaya ibinilanggo siya.

Nang bumalik si A Hei, pumunta siya sa bahay ni A Zhi para iligtas si Ashima. Iminungkahi ni A Zhi na maglaban sa pamamagitan ng duet folk song. Pagkaraan ng 3 araw at gabi ng kompetisyon, nanalo ulit si A Hei. Kaya, maaari na niyang iuwi si Ashima. Ngunit, inilipat ni A Zhi ang batong pumipigil sa baha, kaya sa maikling oras, binaha sina Ashima at A Hei. Tinangay ng tubig si Ashima siya ay naging bato.

Ngayon, pakinggan natin ang isa pang magandang awit mula sa pelikuang "Ashima." Ang awit na ito ay nagpapakitang masayang masaya sina A Hei at Ashima nang umuwi sila, pagkaraan ng 3-araw na kompetisyon ng pagkanta. Ang pamagat nito ay "Ma Ling Xiang Lai Yu Niao Chang(马铃响来玉鸟唱)," o "Jingle bell and bird singing."

Kahit ang mga Sani ay isa lamang sa mga sangay ng Lahing Yi, mayaman ang cultural heritage nito at ang kultura ay hindi lamang may impluwensiya sa Lahing Yi, kundi sa buong Tsina. Ngayon, kung bibisita ka sa Kunming, Punong Lunsod ng Lalawigang Yunnan, isa sa mga dapat bisitahin ay ang "Stone Forest." Ito ay may bato na mukhang isang dalaga na mula sa Lahing Yi. Ito rin ay itinuturing na bato ni Ashima.

Sa serenomya ng pagpipinid ng Beijing Olympic Games noong 2008, isang awit na hango mula sa Sani folk song ang naging theme song. Ito ay magkasamang inawit ng 68 Chinese singer. Ang pamagat ng awit na ito ay "ang mga bisita mula sa malayong lugar, huwag umalis." May iba't ibang adaptation ang kilalang awit na ito. Narinig na natin ang isang adaptation mula kay Qu Bi A Wu. At ngayon, pakinggan naman natin ang isa pang adaptation mula naman kay A Lu A Zhuo(阿鲁阿卓).


May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>