![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
PTNT/20140526.m4a
|
Umikot ang istorya sa pakikibaka ng pulis sa drug cartel, ang sa walang humpay na pagsubok sa commitment ng tatlo bilang alagad ng batas at ang kanilang mga sikreto na susubok sa tatag ng kanilang mahabang taon ng pagkakaibigan.
Bakit White Storm ang pamagat ng pelikula?
Ang original na title ng pelikula ay The Cartel War pero pinalitan ito ng direktor ng si Benny Chan at ginawang The White Storm. Mas ok ang title na ito kasi pag sinabing "storm" ito ay sumisimbolo sa mga damdamin at ang mga bumabagabag sa isipan ng mga bida. Dahil ang mga characters sa pelikula ay may sariling mga " psychological at emotional storms" Pero sa Chinese ang title ay Sou Duk na nangangahulugang Drug Sweep.
Ano ang kaibahan nito sa ibang mga police drug movies?
Wala masyado. Gaya ng ibang crime thrillers, ito ay may high octane action, may car chase, hitik sa violent scenes at fast paced. Ang ibang alok nito ay ang angulo ng friendship sa kwento. Ginamit din ni Benny Chan ang isang sikat na kanta ng Sai Yiu Yap bilang theme song ng barkadahan ng 3 bida.
Sa pelikula, may ilang beses na sinubok ang tibay ng pagkakaibigan ng 3 pero laging nangingibabaw ang kanilang concern sa isa't isa. Pero ito rin ang naging kahinaan ng pelikula dahil naging melodramatic na ang ilang bahagi nito.
Rating. Mac 8 / Andrea 8.5
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |