Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga Pop Singer ng Minoryang Yi

(GMT+08:00) 2014-05-30 13:32:07       CRI
Noong nakaraang episode, isinalaysay namin sa inyo ang hinggil sa mga tradisyonal na Folk Song ng Minoryang Yi ng Tsina. Ngayong gabi, tutuklasin naman natin ang mundo ng makabagong Folk Song ng Minoryang Yi.

Ang mga Yi ay mahilig at magaling sa pagkanta at pagsayaw. Sa industriya ng pop music ng Tsina, maraming mang-aawit ang mula sa Yi. Ilan sa kanila ay mahusay sa paggawa ng mga modernong folk music mula sa mga traditional folk song. Ilan ay mahusay din sa Rock, at ang ilan pa ay magaling sa Blues.

Dahil sa magandang boses at kayumangging balat, na sumasagisag sa kalusugan dito sa Tsina, nagkaroon ng sariling katangian ang mga mang-aawit na Yi. At dumarami nang dumaraming Yi people ang lumabas mula sa kabundukan at pumapasok sa sirkulo ng pop music. Sa susunod, ikukuwento namin sa inyo ang ilan sa kanila.

Ang naririnig ninyo ay ang "Ina(妈妈)" na inawit ng bandang "Yi Ren Zhi Zao (彝人制造)." Ito ang kanilang masterpiece.

(Song: Mom)

Ang bandang "Yi Ren Zhi Zao" ay binubuo ng 3 lalaking mula sa Liangshan ng lalawigang Sichuan, Tsina. Ang kanilang kanta ay pangunahing binubuo ng tradisyonal na folk song ng Yi at modernong elemento. Mula nang itatag ang bandang ito noong 1996 hanggang ngayon, nakuha nila ang maraming gawad, at sila ay itinuturing na pinakamatagumpay na grupo ng mang-aawit ng mga minoryang Tsino sa kasaysayan.

Ang mga awit ng "Yi Ren Zhi Zao" ay pinaghalong musika ng Yi, RAP ng tradisyonal na musika ng Aprika, Country Blues, Flamenco ng Espanya, musikang Latin, at Rock and Roll. Ang kanilang mga kanta ay kapwa classical at modern, kapwa tradisyonal at pop, at kapwa inisyal at avant-garde. Pakinggan natin ang isa pang kanta ng "Yi Ren Zhi Zao."

(Awit)

Noong nagdaang linggo, sinabi natin na ang Minoryang Yi ay may malaking populasyon kumpara sa ibang minorya, nakatira ang mga Yi sa Yunnan, Sichuan, Guizhou, at iba pang lalawigan. Isinalaysay din natin noong nkaraan ang tungkol sa mga folk song ng mga Sani, na isa sa mga sangay ng Yi sa lalawigang Yunnan. Samantala, ang mga mang-aawit na isasalaysay natin ngayong gabi ay galing sa Liangshan ng lalawigang Sichuan. Medyo nagkakaiba ang kaugalian ng mga Yi mula sa Liangshan at Sani. Ang mga Sani ay mahilig magsuot ng makukulay na damit, samanatlang, ang mga Yi naman ng Liangshan ay gusto ang kulay itim na damit. May kani-kanilang katangian din ang estilo ng musika ng Yi people ng Lingshan at Sani people. Masigla at masaya ang musika ng Sani people, sa kabilang dako, malungkot ang musika ng Yi people ng Liangshan.

Ang "Crying for Wedding" ay tipikal na folk song ng Yi people ng Liangshan. Mayroon din itong isa pang pangalan-"Anak na Babae ng Ina." Ipinakikita ng kantang ito na hindi kagustuhang mawalay ng ina sa anak na babae pagkatapos nitong magpakasal. Ayon sa kaugalian ng Liangshan, kapag umabot ng 11 o 12 taong gulang ang mga batang babae, dapat nilang pag-aralan ang kantang ito, at kapag nagpakasal sila, kailangang nilang awitin ang kantang ito. Pakinggan natin ang "Crying for Wedding哭嫁歌."

(Song "Crying for Wedding")

Ji Ke Jun Yi

Pangunahing nakapokus ang musika ng "Yi Ren Zhi Zao" sa tradisyonal na musika ng Yi people. Ilang mang-aawit din ng Yi ang ganap na nagpokus sa pop. Halimbawa, si Ji Ke Jun Yi. Kilala si Ji Ke Jun Yi dahil sa 2013 The Voice of China, isang kilalang singing contest ng Zhejiang TV. Si Ji Ke Jun Yi ay may kayumangging balat, at sexy at modernong hitsura. Hanggang ngayon, madalas pa rin siyang magdaos ng concert, at marami siyang product endorsement. Pakinggan natin ang kanyang kantang "Moon in the Heart to the Sky."

(Song "Moon in the Heart to the Sky"月到天心处)

Ji Jie

Si Ji Jie naman ay isang pop singer ng Yi people. Dati siyang brand manager ng BACARDI, isa sa 10 pinakakilalang wine sa daigdig. Noong 2007, dahil sa isang singing contest, sinimulan niya ang karera sa pag-awit. Dahil may global background, internasyonal ang estilo ng pag-awit ni Ji Jie. Ang estilo ng kanyang musika ay Blues&Disco, na madalas na patugtugin sa mga bar at club. Pakinggan natin ang kanyang awit na "Apopo."

Okay, oras na po para kami ay magpaalam. Sana ay kinagiliwan ninyo ang aming palatuntunan ngayong gabi. Para sa inyong mga komento at kuru-kuro, mag-email lamang sa filipino_section@yahoo.com, mag-text sa mga numerong 0947-287-1451/0905-474-1635, o mag-iwan lamang ng mensahe sa message board ng MaArte Ako.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>