Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Shaanxi Folk Song

(GMT+08:00) 2014-06-11 18:04:31       CRI

Ang "RED FLOWERS BLOOMING ALL OVER THE MOUNTAIN" ay isang tipikal na Shaanxi folk song. Nilikha ito ng mga mgasasaka ng Shaanxi at pinabuti nang maraming beses habang kinakanta ng iba't ibang karaniwang tao bago maging kasalukuyang anyo.

Ito nga ang katangian ng mga folk song ng Shaanxi. Nilikha ang mga folk song na ito habang nagtatrabaho ang mga magsasaka, at pinaunlad kasabay ng pagbabago ng mga mang-aawit sa hene-henerasyon.

Binubuo ang Shaanxi folk song ng Shanbei folk song, Shannan folk song at Hanzhong folk song batay sa heograpiya. Iba iba ang katangian ng mga ito.

Ang isang mahalagang uri ng Shanbei folk song ay tinatawag na "Xin Tian You." Ang "RED FLOWERS BLOOMING ALL OVER THE MOUNTAIN" ay isa sa mga "Xin Tian You." Resonante ang himig at maganda ang melodya. Simple lang ang lyrics. Ito ay tungkol sa masayang kalooban nang makita ng Red Army ang mga pulang bulaklak pagdating nila sa Shaanxi pagkatapos ng tagumpay sa Long March.

Ang tagumpay sa Long March ng Red Army ay napakahalagang pangyayari sa kasaysayan ng bagong Tsina. Ito ay isa sa mga batayan ng pagtatayo ng bagong Tsina.

Ang mang-aawit ng "RED FLOWERS BLOOMING ALL OVER THE MOUNTAIN" ay isang espesyal na artista. Siya si A Bao. Isinilang siya sa Shanxin, at gumugol ng mahigit 20 taon sa pananaliksik ng mga kanta ng Hilagang kanlurang Tsina na kinabibilangan ng Shaanxi.

Sa simula, dahil hindi siya nag-aral ng pag-awit sa paaralan, wala siyang rule, pero may sariling paraan. Lumahok siya sa maraming singing contest, pero hindi siya nagtagumpay dahil hindi alinsunod sa rule ang kanyang paraan.

Pagkatapos, pumunta si A Bao sa Hilagang kanlurang Tsina para magtipon at mag-aral ng mga folk songs doon, mula sa matatandang mang-aawit. Habang nag-aaral, narinig niya ang iba't ibang bersyon ng mga awit, pinabuti niya ang mga ito para maging isang pinal na sariling bersyon. Kaya, ang kanyang mga awit ay binubuo ng kapwa primitive music at popular music.

Sa wakas, nagtagumpay si A Bao sa isang kilalang singing contest sa CCTV na may pangalang "CCTV avenue of stars." Mula noon, siya ay naging kilala. Ang hitsura niya sa stage ay natatangi. Nakasuot siya ng mga damit ng mga magsasaka dahil ang karamihan ng kanyang awit ay nagpapakita ng pamumuhay ng mga magsasaka.

Ang isa pang awit ni A Bao——"Tatay at Nanay" ay tungkol sa pangungulila ng anak, na nagtatrabaho sa ibang lunsod sa kanyang tatay at nanay, na nasa lupang-tinubuan.

Ang awit "Lan Huahua" ay isang tipikal na kanta ng "Xin Tian You."

Ang lugar na sinilangan ng "Xin Tian You" ay plateun na binubuo ng kulay dilaw na lupain at kulay dilaw na ilog na may pangalang Yellow River. Ang mga tao doon ay palagiang simple at natural. Kaya, ang mga kanta doon ay may malayang ritmo, mataas na tono, at direktang lyrics.

Ang kantang "Zou Xi Kou" ay tungkol sa pag-ibig. Nagtungo ang lalaking asawa sa ibang lalawigan para magtrabaho, umawit ang babae para ipahayag ang pagmamahal at kalooban na ayaw niyang mahiwalay sa kanyang kabiyak.

Kumpara sa iba, ang katangian ng Shannan folk song ay may sliding tone at vibrato.

Ang "Fang Yang Diao" o "Herding Sheep" ay may estilo ng duet folk song. Hindi kailangan ang instrumento sa pagtatanghal nito.

Isa sa mga mahalagang uri ng Guanzhong folk song ay ang "Si Xuan Xiao Diao." Kapag itinatanghal, kailangan ang mga stringed instruments.

Ang "Gathering Flowers." Tungkol ito sa pangungulekta ng iba't ibang uri ng bulaklak bawat buwan.

Si A Bao

1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>