|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga obispo, nakiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan
NAKIISA ang mga Obispo at paring kabilang sa Visayas Clergy Discernment Group sa pagdiriwang ng ika-116 na anibersaryo ng pagwawagi at kabayanihan ng mga Filipino laban sa pananakop at pang-aapi.
Sa isang pahayag na nilagdaan ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, napapanahon din ang deklarasyon ng Simbahan sa Pilipinas ng Taon ng mga Layko na nananawagan sa lahat sa temang "Choose to be Brave: Called to be Saints, Sent Forth as Heroes!"
Napapanahon ito sa pagdiriwang ng kalayaan mula sa pananakop ng mga Kastila ang pangakong isusulong ang tunay na kalayaan ng tao at integral salvation upang magkaroon ng tunay at buong buhay. Maliwanag sa panawagan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na tugunan ang mga problemang 'di nakatutuwa sa Diyos tulad ng nakasusulasok na kahirapan, katiwalian, pagiging gahaman sa poder at salapi at 'di pagkilala sa kagalingang pangkalahatan.
Ang mga obispo at kaparian ng Visayas Clergy Discernment Group ay naniniwala na nagkakaisa at may sapat na lakas na mga mamamayan ang makapagpapalugso ng elitistang politika at magkakaroon ng tunay ng demokrasya.
Nakikiisa rin sila sa mga mamamayan na tapusin na ang katiwalian at buwagin na ang pork barrel system upang mabigyang halaga ang kabutihan ng mga mamamayan, lalo na ang mahihirap.
Idinagdag pa ni Bishop Alminaza na ang lipunang walang katarungan ay 'di malaya. Ayon umano kay San Agustin, ang lipunang hindi kinatatagpuan ng katarungan ay maaaring pinatatakbo ng isang lupon ng mga magnanakaw.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |