|
||||||||
|
||
Maarte/20140603.m4a
|
Ang nasabing artista ay si Li Yugang. Siya ay isang lalaki pero may boses ng kapwa lalaki at babae. Bukod sa Tsina, marami siyang fans sa daigdig at nagtanghal na siya sa mga road show sa Singapore, Hapon, at iba pang bansa.
Ang natatanging talento ni Li Yugang ay sa pag-awit awit. Kinakanta niya ang kapwa papel ng lalaki at babae; ibig sabihin, puwede siyang mag-duet.
Sa di-sinasadyang pagkakaton, nadiskubre ni Li ang kanyang talento sa pagkanta ng boses babae. Noong 19 na taong gulang siya, dahil mahirap ang kanyang pamilya, napilitang iwanan ni Li Yugang ang kanyang tahanan sa kanayunan ng Lalawigang Jilin, upang magpunta sa lunsod. Nagtrabaho siya bilang serbidor, nagpatakbo ng tindahan ng damit, at kumanta sa ball room. Sa isang palabas, nang kinakanta niya ang awit na "For Whom," ang kanyang partner na babae ay hindi agad lumabas sa entablado. Wala magawa si Li kundi kantahin ang bahagi ng babae. Mula noon, nakilala siya sa pag-awit ng duet.
Nakapanood na ako ng palabas ni Li Yugang sa TV. Nakasuot siya ng Amerikana, at mukhang siya ay maginoo. Kapag nakasuot naman siya ng tradisyonal na damit ng mga babae, siya ay isang classical beauty. Mahusay siya sa pagkanta at pagsayaw ng mga folk dance na may katangian ng Peking opera.
Para gumawa ng sariling estilo ng hitsura, nag-aral si Li mula sa mga artista ng Peking Opera, at mga guro ng pag-awit at pagsayaw, pagtatanghal, pagdidisenyo ng kasuotan, at make-up.
Ang awit ni Li na pinamagatang "New the Drunken Beauty" ay nilikha mula sa Peking Opera at ang bahagi ng pagkanta ng Peking Opera ay ginawa ni Li. Ito ay hango mula "The Drunken Beauty" ni Mei Lanfang, master ng Peking Opera. Si Master Mei ay gumanap bilang papel ng babae, pero, siya ay lalaki. Ipinagpapatuloy ni Li Yugang ang tradisyon ni Master Mei.
Hindi lamang mahusay si Li Yugang sa boses ng babae sa Peking Opera, kundi magaling din siya sa pagkanta ng pop song, gamit ang boses ng babae.
Baka kayo ay duda kung siya ba ay straight. Mayroong nobya si Li, at siya tumutugtog ng saxophone. Sa isang interbyu, sinabi ni Li na dahil sa isang di-inaasahang pagkakataon, kumanta siya gamit ang boses ng babae, mula noon, dahil nagustuhan ito ng mga manonood, ipinagpapatuloy niya ito. Pero, sa pang-araw-araw na pamumuhay, siya ay lalaki. Maganda rin ang kanyang kanta kapag ginagamit ang boses ng lalaki.
Noong 2007, binuo ni Li ang sariling kompanya. Noong 2009, idinaos ni Li ang concert sa Sydney Opera House. Siya ang ikalawang mang-aawit na Tsino na nagdaos ng konsiyerto sa Sydney Opera House. Ang unang mang-aawit ay si Song Zuying.
Si Li Yugang
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |