Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mambabatas, umaming mayroong Kanser sa baga

(GMT+08:00) 2014-07-02 18:56:08       CRI

INAMIN ni Senador Miriam Defensor-Santiago na nabatid ng kanyang mga manggagamot na mayroon siyang Stage 4 Lung Cancer.

Sa isang press conference, sinabi ng senador na mayroon siyang kanser sa kaliwang baga kaya't nahihirapan siyang buminga. Maaaring napuna na ng mga mamamahayag na nahihirapang huminga ang mambabatas (sa mga nakalipas na panahon).

Hindi pa umano nababatid ng kanyang mga manggagamot kung ano ang naging dahilan ng kanyang lung cancer.

Ayon sa media reports, may ulat sa Makati Medical Center na nakarating sa tanggapan ni Senador Santiago na may nakitang mga tumor sa kaliwang baga matapos sumailalim sa biopsy noong ika-21 ng Hunyo.

Subalit sinabi ng mambabatas na hindi pa kumakalat ang kanser at umaasang gagaling sa loob ng anim na buwan dahilan sa kanyang mga gamot na iniinom.

Ipinaliwanag niyang ang chemotherapy ay sa pamamagitan na ng tablet na tinaguriang molecular targeting. Wala umanong ibang iinumin subalit magkakaroon ng epekto ng chemotherapy kaya't umaasa siyang gagaling sa loob ng anim na linggo.

Masayang humarap sa mga mamamahayag ang mambabatas at nagbiro pa tungkol sa kanyang karamdaman.

Hindi raw umano niya malalaman ang reaksyon ng kanyang mga kalaban. Marahil umano'y masaya na sila sapagkat maaari na siyang mamatay at hindi na sila magagambala pa. Sa kabilang dako, malaki ang posibilidad na makaligtas siya kaya't mapupuksa ang kanyang mga kalaban.

Maliban kay Senador Antonio Trillanes IV, si Senador Santiago ang nagtala ng pinakamaraming pagliban sa mga sesyon. Sa 80 araw na pagtitipon, nakadalo siya ng limang sesyon ng Senado.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>