|
||||||||
|
||
Maarte/20140617.m4a
|
Ang "Sampaguita" ay parating pinipili ng mga dayuhang mang-aawit sa kanilang konsiyerto sa Tsina. Sa maraming mahalaga at maringal na okasyon, tinutugtog ng military band ang awit na ito: halimbawa, sa pagbalik ng Hingkong sa inang bayan noong 1997 at ng Macao noong 1999.
Ngayon, punta tayo sa Lupang-tinubuan ng sampaguita——lalawigang Jiangsu ng Tsina.
Ang Jiangsu ay nasa Delta ng Ilog Yangzi. Mayaman ang lugar na ito mula pa nang sinaunang panahon, hanggang ngayon. Noong panahon ng agrikultura, dahil sapat ang tubig para sa irigasyon, lumago nang mabuti ang mga pagkain-butil. Kasabay ng paggawa Grand Canal, ang Yangzhou ng Jiangsu ay naging sentro ng paglalayag at ang Jiangsu ay naging sentrong komersyal. Kaya, ang folk song ng Jiangsu ay masigla, masaya, at ang tema nito ay pangunahing tungkol sa masayang pamumuhay. Ang Jiangsu ay hinahati ng Yangzi sa dalawang bahagi——Subei at Jiangnan. Nagkakaiba ang estilo ng folk song ng nasabing dalawang bahagi. Ang narinig ninyong awit ay galing sa Subei, mabilis ang ritmo: samantala, mas mabagal ang folk song ng Jiangnan.
Ang mga awit ng Jiangnan ay nagpapakita ng katangian ng mga babae roon——sensitibo at mahinhin. Sa pelikulang "Flowers of War" ni Direktor Zhang Yimou, ang theme song na pinamagatang "The QinHuai Scenery" ay galing sa Jiangnan folk song.
Ngayon, alam po ba ninyo kung bakit lumitaw sa Jiangsu ang awiting "Sampagita?" Ang "Sampaguita" ay hinango mula sa folk song na "Xian Hua Diao" ng lunsod Nanjing ng Jiangsu. Tinipon at inareglo ito ni composer He Fang.
Si He Fang ay isang composer sa tropa. Noong 1942, pumunta siya sa Nanjing kasama ng tropa. Narinig niya doon ang "Xian Hua Diao" at naakit siya rito. Kaya, itinala niya ang awiting ito.
Noong 1957, itinanghal ang chorus ni He Fang sa Beijing at inawit nila ang "Sampaguita" na hinango mula sa "Xian Hua Diao." Mula noon, naging popular ang "Sampaguita." Noong 1959, inawit ito sa Wienna Staatsoper.
Ang mga tanawin ng Jiangsu
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |