|
||||||||
|
||
/PTNT/20140714.m4a
|
Ito'y Chinese-Korean production at isang romantic-comedy na ipinalabas noong 2009.
Si Eva Jin ang direktor at writer ng Sophie's Revenge. Siya ay ipinanganak sa Tsina at direktor ng ilang mga maiikling pelikula pero ang Sophie's Revenge ang pinakamatagumpay niyang pelikula.
Ang pelikulang ito ang nagdala sa kanya ng kasikatan at pagkilala bilang kauna-unahang babaeng direktor na nakapasok sa 100 Million RMB club. Sa Tsina kumita ang Sophie's Revenge ng higit 100 Million RMB at pinatunayan niyang pwedeng maging box-office hit ang romantic comedy sa Tsina.
Noong 2008 isinulat niya ang Qi yu, isang sports drama na naganap noong Cultural Revolution at ipinalabas kasabay ng Beijing Olympic Games. Samantala ang kanyang short film na, The 17th Man (2004), ay nanalo ng third place sa 2004 Student Emmy Awards, Best Director, Best Script at Best Art Direction sa 2004 Fearless Tale Film Festival, Best Lounge Short at Sonoma film festival.
Ang pelikulang ito rin ang Official Selection sa Cannes Film Festival noong 2004. Bukod sa pagiging direktor, siya rin ay dating pop music singer at tunay na cartoonist na naglabas ng tatlong cartoon books noong 2001 at 2009 sa Beijing Publishing House.
At take note si Eva Jin ay may Bachelor's degree sa Italian Opera sa China Conservatory of Music at may Master's sa Filmmaking mula sa Florida State University Film School.
Sa isang interview sa LA Times sinabi niyang gusto niyang lumikha ng mga "ideal cities" at iniiwasan niya ang Beijing landmarks. Gusto ni Eva Jin na gumawa ng isang pelikulang maiintiindihan ng lahat, at hindi natatali sa ispesipikong panahon o oras.
Andrea: Kaya ang mga pelikula ni Eva Jin ay may borderless quality at universal appeal. Tungkol naman sa pagpapatawa, sinabi ni Eva Jin na dahil culturally specific ang humor, ang mga comedy at hindi madaling magustuhan sa ibang bansa. Pero sa kay Jin, ito ay isang genre na sa katotohanan ay mayroong mas kakayahang makaabot sa mga manonood sa ibayong dagat kung ihahambing sa historical dramas o kaya martial arts films. Ang mga pelikulang ito ang nagdodomina sa mga Chinese movie exports na palaging tungkol sa mga sinaunang emperors, kung fu masters atbp.
Dagdag kaalaman nitong 2013, isang prequel ang ipinalabas at pinamagatang My Lucky Star tampok sila Zhang Ziyi at Wang Leehom. Ang pelikula ay gawa ni Dennie Gordon , ang kauna-unahang American woman na nag-direct ng pelikula para sa Chinese market. Muling gumanap si Zhang bilang Sophie, at nagbyahe mula Beijing tungko sa Singapore, Hong Kong at Macau para sa pag-ibig.
Ang cast ng Sophie's Revenge ay kinabbibilangan nila Zhang Ziyi, So Ji-sub, Fan Bingbing, Ruby Lin, Peter Ho, Yao Chen at ang Korean hearthrob na si Jo Ji-Sub. Ang pelikula ay tungkol sa isang comic book artist na si Sophie (Zhang Ziyi) na sumumpang babawiin ang kanyang fiancée na si Jeff ( So Ji-Sub) na nakipag-break sa kanya isang buwan bago ang kanilang kasal, at ipinagpalit siya sa isang glamorosang aktress na si Anna (Fan Bingbing).
Pakinggan ang pagtalakay ng mga moviebuddies na sina Mac at Andrea sa Sophie's Revenge sa programang Pelikulang Tsino Nood Tayo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |