|
||||||||
|
||
20140715.m4a
|
Ang pinakamatagumpay na singer ng rock and roll singer nitong nakalipas na 10 taon ay si Wang Feng. Nang bumulusok paibaba ang rock and roll ng Tsina, ang tagumpay ni Wang Feng ang siyang parang naging pag-asa ng buong sirkulo ng rock. Sa kabilang dako, ipinalalagay ng maraming tao na si Wang Feng ay hindi singer ng rock and roll, kundi pop singer.
Sa katotohanan, walang malaking pagkakaiba ang pop music at rock and roll; ang pop rock ay naging pop music. Pakinggan muna natin ang isang kanta ni Wang Feng na pinamagatang "Exist." Pero, bago yan, isang tanong: masasabi ba ninyo ang pagkakaiba ng rock and roll sa pop music?
(Awit "Exist")
Si Wang Feng at kanyang girlfriend, Zhang Ziyi
Isinilang si Wang Feng sa isang pamilyang mahilig sa classical music. Nag-aral siya ng biyolin noong bata pa siya, at nagtapos ng pag-aaral ng boylin sa Central Conservatory of Music. Pagkatapos ng graduation, pumasok siya sa National Ballet of China bilang pangalawang punong violinist. Ngunit, hindi niya gusto ang ganitong uri ng pamumuhay, kaya nagbitiw siya at binuo ang sariling banda.
Ang pangalan ng banda ni Wang Feng ay Bao Jia Street No. 43. Ito rin ang lokalidad ng Central Conservatory of Music. Lahat ng mga miyembro nito ay pawang mga nagtapos sa kursong classical music. Samantala, pakinggan natin ang awit nilang pinamagatang "I will be right here waiting for you."
(Awit "I will be right here waiting for you")
Noong panahong iyon, katulad ng maraming singer ng rock and roll, si Wang Feng ay may mahabang buhok, nakatira sa lumang bahay, hindi sikat at kaunti ang kita. Noong 2000, nilagdaan ni Wang Feng ang kontrata sa Warner Music. Ngunit, napiliting magkawatak-watak ang bandang "Bao Jia Street No. 43."
Pagkaraang pumasok sa Warner Music, kapansin-pansing tumaas ang kalidad ng musika ni Wang Feng. Pakinggan natin ang isa pang awit niya na may pangalang "Fire Works."
Mula noon, mabilis na umunlad ang karera ni Wang Feng at marami sa kanyang awit ay naging kilala.
Para sa mga banda sa bar o restaurant, palagiang dalawang kanta ang inaawit ni Wang Feng, "Beijing Beijing" at "In the spring." Ang dalawang kanta ay tungkol sa pangarap ng mga taga-probinsya sa Beijing. Inilalarawan nito ang kanilang mahirap na situwasyon. Pakinggan natin ang "Beijing Beijing."
(Awit "Beijing Beijing")
Xu Ri Yang Gang
Ngayon, pakinggan natin ang "In the spring" na inawit ng isang stray band na may pangalang "Xu Ri Yang Gang."
(Awit "In the Spring")
Okay, oras na po para kami ay magpaalam. Sana ay kinagiliwan ninyo ang aming palatuntunan ngayong gabi. Para sa inyong mga komento at kuru-kuro, mag-email lamang sa filipino_section@yahoo.com, mag-text sa mga numerong 0947-287-1451/0905-474-1635, o mag-iwan lamang ng mensahe sa message board ng MaArte Ako.
Para naman sa mga ka-FB natin, paki-click lang ang "like" button sa aming FB page na crifilipinoservice para sa mga update ng aming ibat-ibang programa. Available na rin po ang aming mga programa sa podcast. Kaya, kung kayo po ay on-the-go, tamang-tama po ito para sa inyo. Ito po si Ramon Jr., maraming salamat sa inyong pakikinig.
Pasok sa Maarte Ako
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |