|
||||||||
|
||
/PTNT/20140721.m4a
|
Tony Leung - Ip Man
Zhang Ziyi - Gong Er
Zhang Jin - Ma San
Hye-kyo Song Cheung - Zhang Yongcheng
Chang Chen - The Razor Yixiantian
Sa Hong Kong Film Awards nitong Abril, 2014 nanalo ang pelikula ng 12 awards kabilang ang Best Movie at Best Director.
Inuwi ni Zhang Ziyi ang Best Actress award para sa role niya bilang Gong Er and anak at tagapagmana ni kung fu master na si Gong Baosen. Bukod dito, kinilala rin ang pelikula at ang mga cast and crew nito sa Asia Pacific Screen Awards, Asia Pacific Film fest, Asian Film Awards, Asian Film Critics, Beijing Film Fest, Golden Horse Awards, Golden Rooster, Hong Kong Directors Guild, Hong Kong film Critics, Huating Film Awards at marami pang iba mula sa ibang bansa.
Sa 2014 Oscars, nominated ang The Grandmaster para sa Best Achievement in Cinematography (Philippe Le Sourd) at Best Achievement in Costume Design (William Chang).
Narito ang ilang trivia tungkol sa pelikula : Alam niyo ba si Tony Leung ay nagensayo 4 na oras kada araw sa loob ng isang taon para paghandaan ang kanyang role bilang Ip Man? Sa naantala ang shooting ng pelikula dahil nagka injury siya.
Alam niyo ba na higit isang taon ang inilaan ni Wong Kar Wai sa pageedit ng pelikula bago siya nasiyahan at sabihing tapos na ang pelikula? At Ang The Grandmaster ay may ibat ibang haba. Ang Chinese cut ay 130 minutes, ang Berlin Intl film Festival version ay 123 minutes, at ang ikatlong version para sa international release ay 108 minutes. Ang original version ayon kay Wong Kar Wai ay 2hrs 10 minutes.
Pakinggan ang pagtalakay ng mga moviebuddies sa pelikulang The Grandmaster sa programang Pelikulang Tsino Nood Tayo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |