Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Rock and Roll ng Tsina noong Dekada 90

(GMT+08:00) 2014-07-25 16:06:34       CRI

Noong nagdaang episode, isinalaysay namin sa inyo ang hinggil sa Rock and Roll sa Tsina noong dekada 80. Ngayong gabi, ipagpapatuloy natin ang kuwento hinggil sa Rock and Roll sa Tsina, pero sa pagkakatong ito, papakinggan naman atin ang Rock and Roll noong dekada 90.

Pagkaraan ng 10 taong pag-unlad, pumasok ang Rock and Roll ng Tsina sa ginintuang panahon. Noong panahong iyon, lumitaw ang maraming magaling na banda, singer, at kanta.

Noong 1994, sa Hong Kong Coliseum, pinakamalaking stadium sa Hong Kong, idinaos ang isang matagumpay na concert ng Rock and Roll. Nagtanghal doon ang mga Rock and Roll stars ng Mailand na sina Dou Wei, Zhang Chu, at He Yong, at ang bandang "Tang Dynasty." Sa panahong ito, lumagda ng kontrata sina Dou Wei, Zhang Chu at He Yong sa "Magic Stone Music" record label. Sila ay itinuturing na "Big Three" ng "Magic Stone Music."

Si Dou Wei

Noong panahong iyon, kumalas si Dou Wei mula sa Panther Band. Mula 1991 hanggang 1998, si Dou Wei ay bokalista ng Panther Band. Napakakilala rin ang Panther Band noong panahong iyon. Nilikha at kinanta ni Dou Wei ang "Extremely Embarrassed" at "Don't Break My Heart." Ang dalawang kanta ito ay naging pinakakilalang awit ng Panther Band hanggang ngayon. Pakinggan natin ang "Extremely Embarrassed."

(Awiting "Extremely Embarrassed")

Noong 1996, nagpakasal si Dou Wei kay Faye Wong, pop queen ng Tsina. Noong panahong iyon, mas marami ang fans ni Faye Wong kaysa kay Dou Wei. Ngunit, pagkaraan nilang magpagkasal, nilisan ni Faye Wong ang Hong Kong para simulan ang normal na pamumuhay sa Beijing kasama si Dou Wei. Ngunit, pagkaraan ng 3 taon, nag-divorce sila. Dahil napakakilala ni Faye Wong, naging kilala rin si Dou Wei. Pero, gusto ni Dou Wei na maging kilala siya sa pamamagitan ng kanyang musika, sa halip na pribadong pamumuhay.

Pakinggan natin ang isa pang kanta ni Dou Wei, "Don't Break My Heart."

(Awiting "Don't Break My Heart")

Si Zhang Chu

May mga karakteristiko at pagtaya ang mga kanta ng nasabing "Big Three:" ang mga kanta ni Zhang Chu ay parang tula, ang mga kanta ni He Yong ay parang alak, at ang mga kanta ni Dou Wei ay parang essay. Ngayon, pakinggan natin ang kanta ni Zhang Chu, "Shameful Being Left Alone."

(Awiting "Shameful Being Left Alone" )

Si He Yong

Marami ang nagsasabi na di-umano, ang mga Rock and Roll singer ay may malungkot na kalooban. Si Zhang Chu ay may sakit na autism, si He Yong naman ay ipinadala sa mental hospital. Pakinggan natin ang master piece ni He Yong na may pamagat na "Bell and Drum Towers."

(Awiting "Bell and Drum Towers")

Tang Dynasty

Si Ding Wu ay bokalista ng bandang "Tang Dynasty." Siya rin ang isa sa mga pioneer ng Rock and Roll sa Tsina. Ang mataas na tono at mahabang buhok ay kanyang tatak. Iba naman ang kanyang estilo at kalooban kumpara sa mga nauna nating nabanggit na singer. Hindi siya malungkot. Noong 2006, nagpakasal ang 44 na taong gulang na si Ding Wu at noong 2011, siya ay naging tatay. Dalawampung (20) taong gulang lamang ang asawa ni Ding Wu at siya ang agent ng "Tang Dynasty." Ngayon, hindi na kumakanta si Ding Wu, ibinubuhos na lang niya ang kanyang oras sa pagguhit. Pakinggan natin ang master piece ng "Tang Dynasty" na may pamagat na "A Dream Return To Tang Dynasty."

(Awiting "A Dream Return To Tang Dynasty")

Si Ding Wu at kanyang pamilya

Okay, oras na po para kami ay magpaalam. Sana ay kinagiliwan ninyo ang aming palatuntunan ngayong gabi. Para sa inyong mga komento at kuru-kuro, mag-email lamang sa filipino_section@yahoo.com, mag-text sa mga numerong 0947-287-1451/0905-474-1635, o mag-iwan lamang ng mensahe sa message board ng MaArte Ako.

Para naman sa mga ka-FB natin, paki-click lang ang "like" button sa aming FB page na crifilipinoservice para sa mga update ng aming ibat-ibang programa. Available na rin po ang aming mga programa sa podcast. Kaya, kung kayo po ay on-the-go, tamang-tama po ito para sa inyo. Ito po si Ramon Jr., maraming salamat sa inyong pakikinig.

Sa ngalan ng buong pamilya ng Serbisyo Filipino, ito po muli si Lakay Rhio, ang guwapong Tarlakenyo at inyong tunay na pengyou, hanggang sa muli.

May Kinalamang Babasahin
maarte
v Si Wang Feng at Bao Jia Street No. 43 2014-07-18 11:21:36
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>