Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Rock and Roll ng Tsina (Dekada 90 Part II)

(GMT+08:00) 2014-08-11 16:51:35       CRI

Noong nagdaang episode, isinalaysay namin sa inyo ang hinggil sa Rock and Roll dito sa Tsina noong dekada 90, mga male singer at kanilang mga awit. Ngayong gabi, ipagpapatuloy natin ang kuwento ng 3 pang sikat na singer ng Rock and Roll noong panahong iyon.

Unang una, isasalaysay natin si Luo Qi. Si Luo Qi ay bokalista ng bandang "The compass." Itinatag ang "The compass" noong 1990, at si Luo Qi ay ang kauna-unahang bokalista ng bandang ito. Noong panahong iyon, 17 taong gulang pa lang si Luo Qi, mataas ang kanyang boses, mas mataas kaysa sa ibang male singer. Pakinggan natin ang "Do as You Wish" o "Sui Xin Suo Yu."

Si Luoqi

Naging popular si Luo Qi noong 17 taong gulang siya. Ngunit, pagkaraan nito, nakaranas siya ng malaking dagok. Sa isang parke, napaaway siya at nabulag ang kanyang kaliwang mata. Mula noon, nasubsob si Luo Qi sa kalungkutan at pangamba, at naapektuhan nito ang banda. Noong 1994, nilisan ni Luo Qi ang banda at nagsimulang malulong sa droga. Pagkatapos, nakaranas siya ng napakahirap na proseso ng drug rehabilitation at pumunta siya sa Alemanya.

Noong 2004, bumalik si Luo Qi mula sa Alemanya, kasama ang guwapong asawa. Ang kanyang asawa ang tumulong sa kanya sa drug rehabilitation. Ngayon, masaya na si Luo Qi. Siya ay isa nang nanay at muling sinimulan ang kanyang karera bilang mang-aawit. Pakinggan natin ang kanyang awiting "Come Back" o "Gui Lai."

(Awit "Come Back")

Pagkatapos nating marinig ang karanasan ni Luo Qi, sana ay naramdaman ninyo ang malaking bitalidad sa kantang ito.

Sa susunod, pakinggan natin ang isa pang awit na angkop na naglalarawan sa karanasan ni Luo Qi. Ang pamagat nito ay "Rainbow in Drizzles, Underyielding Roses." Ito ay inawit ng isa pang kilalang female singer ng Rock and Roll na si Tian Zhen. Nilikha ni Tian Zhen ang kantang ito para sa female football team ng Tsina. Idinaraos sa kasalukuyan ang world cup, mula kantang ito, sana ay maramdaman ninyo ang init ng world cup.

Si Tianzhen

Ngayon, punta naman tayo sa isang male singer ng Rock and Roll. Siya si Zheng Jun. Mula noong 1994 hanggang ngayon, patuloy na naglalabs si Deng Jun ng mga album. Pakinggan muna natin ang hit song ng kanyang unang album noong 1994. Ang "Naked."

Mula sa kantang ito, narinig natin ang impluwensiya ng classical rock ng roll mula sa kanluran. Ang mga awit ni Zheng Jun ay binubuo ng mga elementong mula sa mga minorya ng Yunnan at Tibet. Noong 2007, nilikha niya ang "Chang An Chang An." Ito ay itinuturing na pinnacle ng rock and roll na may katangian ng musika ng mga minorya. Pakinggan natin ang "Chang An Chang An."

Si Zheng Jun

Sa susunod, isasalaysay natin ang bandang "The zero band." Itinatag ang "The zero band" noong 1988, at nakapaglabas ito ng 7 album. Nagkaroon ito ng mahigit 20 kanta sa unang puwesto ng billboard at lampas sa 2.5 milyon ang sales volume ng mga kanta niya. Nitong nakalipas na 24 taon, ang "The zero band" ay naging isang banda ng rock and roll na may pinakamataas na sales volume at pinakamaraming fans sa Tsina. Pakinggan natin ang kanilang awit "Love Me or Not."

"The zero band"

Okay, oras na po para kami ay magpaalam. Sana ay kinagiliwan ninyo ang aming palatuntunan ngayong gabi. Para sa inyong mga komento at kuru-kuro, mag-email lamang sa filipino_section@yahoo.com, mag-text sa mga numerong 0947-287-1451/0905-474-1635, o mag-iwan lamang ng mensahe sa message board ng MaArte Ako.

Para naman sa mga ka-FB natin, paki-click lang ang "like" button sa aming FB page na crifilipinoservice para sa mga update ng aming ibat-ibang programa. Available na rin po ang aming mga programa sa podcast. Kaya, kung kayo po ay on-the-go, tamang-tama po ito para sa inyo. Ito po si Ramon Jr., maraming salamat sa inyong pakikinig.

Maraming salamat po. Sa ngalan ng buong pamilya ng Serbisyo Filipino, ito po muli si Lakay Rhio, ang guwapong Tarlakenyo at inyong tunay na pengyou, hanggang sa muli.

Pasok sa Ma-arte Ako

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>