|
||||||||
|
||
Kamote, malaki ang potensyal sa Pilipinas
KAMOTE ANG PAG-ASA NG MGA MAGSASAKA. Ito ang sinabi ni Bb. Julieta Roa, isang mananaliksik mula sa International Potato Center sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag. Ang kamote ay madaling makatugon sa pagbabago ng klima at malaki ang potensyal na pagkakitaan. Ang binhi ay nabibili sa halagang P 0.35 sentimos bawat isa. (Melo Acuna)
SINABI ni Bb. Julieta Roa, isang collaborating researcher ng International Potato Center na malaki ang potensyal ng kamote sa Pilipinas.
Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag sa isang pagpupulong sa Los Baños, Laguna, nangunguna pa rin ang Tsina sa pandaigdigang produksyon ng kamote. Malayo sa ikalawang puesto ang Indonesia samantalang pangatlo ang Vietnam at pumang-apat naman ang Pilipinas.
Ipinaliwanag ni Bb. Roa, ang kamote ang siyang may pinakamagandang potensyal sa anumang pagbabago sa klima o climate change.
Maganda ang kita mula sa kamote lalo na kung ang mga natatanmnan ay nasa Tarlac at Bataan sapagkat malaki ang pamilihan sa Metro Manila. Mula sa puhunang P 35,000 bawat ektarya, makakaasa ang mga magsasaka ng ani mula P 80 hanggang P 150 libo.
Mas magandang itanim ang kamote sa tag-init sapagkat gusto ng halamang lupang ito ang mainit na panahon. Sa Tarlac ay may 5000 ektaryang natatamban ng kamote, partikular sa mga bayan ng Paniqui, Moncada, Pura, Gerona, Ramos at Tarlac City.
Mas malaki ang kinikita ng mga magsasaka sa Concepcion at Capas sapagkat wala sa panahon ang kanilang pagtatanim nito. Mayroon na ring malalaking lupaing natatamnan ng kamote sa Albay sapagkat ginagamit na rin ang halamang lupang ito sa kanilang ginagawang instant mami noodles.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |