|
||||||||
|
||
Masuwerte ang "Second Hand Rose." Itinatag ang bandang ito noong 2000, at noong 2002, ito'y naging napakakilalang banda sa Beijing. May kapansin-pansing katangian ang estilo ng "Second Hand Rose." Isinanib nila ang song-and-dance duet, isang local opera ng Hilagang silangang Tsina, at rock and roll. Ito ang natatanging estilo ng musika.
Pakinggan muna natin ang isang kanta ng "Second Hand Rose" na pinamagatang "Destiny."
Si Liang Long sa pagtatanghal
sw20140729rose.m4a
|
Ang unang pangungusap ng kanta ay purong "Er Ren Zhuan" o song-and-dance duet, ang susunod ay ang pagsasanib ng "Er Ren Zhuan" at rock and roll.
Ang "Er Ren Zhuan" ay isang local opera sa Hilangang silangan ng Tsina, at mayroon itong 300 taong kasaysayan.
Ang "Er Ren Zhuan" at itinatanghal ng isang lalaki at isang babae, nakasuot sila ng makulay na damit, at extemporaneous na palabas na kinabibilangan ng pagkanta, pagsayaw, at talk show ang nilalaman nito.
Pakinggan natin ang isang awit ng "Er Ren Zhuan" na "Xiao Bai Nian."
Pagtatanghal ng "Er Ren Zhuan"
Ang pagiging kilala ng "Second Hand Rose" ay may malaking kaugnayan sa "Er Ren Zhuan." Ginagamit nila ang mga tradisyonal na instrumentong Tsino na gaya ng surna at gong na karaniwang ginagamit sa accompaniment ng "Er Ren Zhuan," at dahil dito, ang melody ay naging malakas at maingay. At ang kanilang damit sa pagtatanghal ay makulay, tulad ng mga clown. Si Liang Long, ang lead singer. Siya ay isang lalaki pero ang kasuotan niya ay parang katulad ng kauotan ng isang babaeng may diperensya sa pag-iisip. Ang kanilang pagtatanghal ay maingay at nakaktawa.
Pakinggan natin ang awit na "Xian'er" mula sa "Second Hand Rose." Sa awit na ito, madarama natin ang pagiging maingay at nakakatawa ng kanilang musika.
(Song: "Xian'er"5'05")
Bentahe ng "Second Hand Rose" ang pagsasanib ng Rock and Roll at tradisyonal na musikang Tsino at mga lokal na opera ng Tsina na gaya ng "Er Ren Zhuan," Peking Opera at iba pa. Lumikha rin sila ng kanilang katangian na "black humor."
Pinapurihan ni Cui Jian, kilalang Rock Star at "God father of Rock and Roll ng Tsina" ang Second Hand Rose. Aniya, ito ay isang amazing band, ang musika nila ay may espesiyal na estilo. May positibong pananaw rin aniya ang 'Second Hand Rose'"
Si Liang Long sa pang-araw-araw na pamumuhay
Pakinggan natin ang isa pang awit mula sa Second Hand Rose, kung saan maririnig ninyo ang pagsasanib ng Rock at tradisyonal na musikang Tsino. Narito ang "Payagan ang ilang artistang maging mayaman"
(Song: "Payagan ang ilang artistang magiging mayaman"4'31" )
Sa nakaraan, ang nakakatawang pagtatanghal na parang clown ng mga miyembro ng "Second Hand Rose" ay pinuna ng publiko. Pero, kasunod ng pagiging mahusay ng band sa paglikha ng kanilang musika, palalim nang palalim ang mga nilalaman ng kanilang awit. Sa lyrics, pinupuna nila ang mga problema ng lipunan, nakikisimpatiya sila sa mga vulnerable people. Sa kasalukuyan, napagtagumpayan na nila ang mga criticism sa pamamagitan ng kanilang mga awit.
Ang "Second Hand Rose" ay isang band na may katangiang Tsino, minana nito ang tradisyonal na folk art ng Tsina. Ang kalidad ng musika ng "Second Hand Rose" ay umabot na sa pinakamataas na lebel ng rock music sa mainland ng Tsina. Pakinggan natin muli ang isa pang awit na pinamagatang"Stories in Spring."
(Song: "Stories in Spring"7'23")
Okay, oras na po para kami ay magpaalam. Sana ay kinagiliwan ninyo ang aming palatuntunan ngayong gabi. Para sa inyong mga komento at kuru-kuro, mag-email lamang sa filipino_section@yahoo.com, mag-text sa mga numerong 0947-287-1451/0905-474-1635, o mag-iwan lamang ng mensahe sa message board ng MaArte Ako.
Para naman sa mga ka-FB natin, paki-click lang ang "like" button sa aming FB page na crifilipinoservice para sa mga update ng aming ibat-ibang programa. Available na rin po ang aming mga programa sa podcast. Kaya, kung kayo po ay on-the-go, tamang-tama po ito para sa inyo. Ito po si Ramon Jr., maraming salamat sa inyong pakikinig.
Maraming salamat po. Sa ngalan ng buong pamilya ng Serbisyo Filipino, ito po muli si Lakay Rhio, ang guwapong Tarlakenyo at inyong tunay na pengyou, hanggang sa muli.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |