|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
375 gramo ng marrow
1 carrot (mga 60 gramo ang timbang)
1 kutsara ng vegetable oil
1 katamtamang laking sibuyas (ginayat nang manipis)
1-2 cloves ng bawang (dinikdik nang bahagya)
Kalahating kutsarita ng asin
Puting paminta
1 pirot ng vetsin
1 itlog (binati nang kaunti)
1 kutsarita ng soya sauce
Paraan ng Pagluluto
Gayatin ang marrow at carrot nang manipis at sa hugis ng palito ng posporo.
Mag-init ng mantika sa kawali at igisa ang bawang at sibuyas hanggang sa lumambot. Isunod ang marrow, carrot, asin, paminta at vetsin at ituloy ang paggisa sa loob ng ilang minuto hanggang sa lubos na mabalutan ng mantika ang mga gulay.
Takpan ang kawali at iluto nang bahagya ang mga gulay. Haluin paminsan-minsan hanggang sa maluto pero nananatiling malutong. Dagdagan ang apoy tapos ilagay ang binating itlog at soya sauce. Haluin hanggang sa pumantay ang pagkakahalo ng itlog sa mga gulay. Isilbi pagkalutung- pagkaluto.
Pasok sa Kitchen ni Kuya Ramon==>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |