|
||||||||
|
||
20140812.m4a
|
Noong 1968, binuo ni Alan Tam Wing-lun ang isang banda na binubuo ng kanyang 5 kaibigan. Noong 1970, lumahok sila sa isang singing contest, ngunit, sa kasamaang-palad, hindi sila nanalo. Pero, di-nagtagal, nakakita na naman sila ng pagkakataon para muling lumahok sa kompetisyong ito. Sa kanilang muling pagsali, pinangalanan nila ang kanilang banda na "Looser." Pero, sa pagkakataong ito, nakuha nila ang unang puwesto.
Mula noon, ang "Looser" ay pormal nang naging pangalan ng banda. Noong 1971, nabuwag ang bandang ito.
Noong 1973, muling bumuo si Tam ng isa pang banda na may pangalang "Wynners," at di-tulad ng Loosers, matagumpay ang bandng ito. Naging sikat ang album ng banda, nagkaroon ng pelikula, nagkaroon ng TV program, at nag-concert ang banda sa buong Timog Silangang Asya: nakakuha rin sila ng maraming gantimpala. Ngayon, bawat 5 taon, nagdaraos sila ng concert at marami pa rin ang kanilang mga fans.
Pakinggan natin ang isang kanta ng "Wynners"---Qian Zai Bu Bian.
Noong dekada 80, nilisan ni Tam ang bandang ito at sinubukan ang solo career. Noong 1984 hanggang 1985, inilabas niya ang 3 album na itinuturing na trilogy ng pag-ibig. Ang mga ito ay: "Love in the mist," "The origins of love," at "Love trap." Mula noon, siya ay naging super star sa sirkulo ng pop music ng Hong Kong. Mula 1984 hanggang 1987, siya ang pinakapopular na singer ng Hong Kong. Pakinggan natin ang "Love in the mist."
(Awit "Love in the mist")
Noong panahong iyon, si Tam ay alamat ng pop music ng Hong Kong. Idinaos niya ang 20 concert sa Hong Kong Coliseum noon 1985. Noong 1989, lumikha siya ng rekord sa pagdaraos ng 39 na concert sa Hong Kong Coliseum. Ang kanyang kantang "Can't say goodbye" ay nasa unang puwesto sa listahan ng KTV. Pakinggan natin ang kantang ito.
Noong 1980's, naging kilala si Leslie Cheung at siya ay naging kalaban ni Tam sa pop music ng Hong Kong. Kahit magkalaban ang fans ng dalawang stars, hindi sila nag-aaway. Noong 1990's, ini-organisa ang "Four Hong Kong Heavenly Kings." Si Tam ay tinatawag na "schoolmaster" bilang senior ng sirkulo ng musika. Isang araw, nag-away ang fans ng "Four Hong Kong Heavenly Kings," at hindi nakontrol ng host ang situwasyon. Nang lumabas si Tam, naging maasyos ang situwasyon. Mula rito, nakita natin ang katayuan ni Tam sa sirkulo ng musika.
Pakinggan natin ang isa pang kanta ni Tam na pinamagatang "SIDLE SIDE."
(Awit "SIDLE SIDE")
Noong 2003, magkasamang idinaos ni Tam at Hacken Lee Hak Kan ang isang concert, at mainit itong tinanggap ng mga taga-Hongkong. Mula noon, mahigit 100 beses silang nag-concert sa Mainland, Macao, Timog silangang Asya, Amerika, at Kanada.
Ngayon, pakinggan natin ang "Friends."
Kung susumahin, si Tam ay nakapagdaos na ng 276 concert, 189 sa mga ito ay solo concerts. Siya ang may hawak ng rekord ng pinakamaraming concert sa Hong Kong.
Okay, oras na po para kami ay magpaalam. Sana ay kinagiliwan ninyo ang aming palatuntunan ngayong gabi. Para sa inyong mga komento at kuru-kuro, mag-email lamang sa filipino_section@yahoo.com, mag-text sa mga numerong 0947-287-1451/0905-474-1635, o mag-iwan lamang ng mensahe sa message board ng MaArte Ako.
Para naman sa mga ka-FB natin, paki-click lang ang "like" button sa aming FB page na crifilipinoservice para sa mga update ng aming ibat-ibang programa. Available na rin po ang aming mga programa sa podcast. Kaya, kung kayo po ay on-the-go, tamang-tama po ito para sa inyo.
Maraming salamat po. Sa ngalan ng buong pamilya ng Serbisyo Filipino, ito po muli si Lakay Rhio, ang guwapong Tarlakenyo at inyong tunay na pengyou, hanggang sa muli.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |