|
||||||||
|
||
sw20140819.m4a
|
Sa kabila nito, si Leslie ay isang napakagaling na singer at actor. Kaya, para sa gabing ito, samahan ninyo akong balik-tanawin ang kanyang dramatic life.
Isinilang si Leslie Cheung sa isang tailor's family sa Hong Kong. Siya ay ika-10 anak sa pamilya. Ang ama ni Leslie ay isang kilalang tailor, na gumagawa ng damit para sa mga super stars sa Hong Kong at Hollywood. Sa kanyang kabataan, ipinadala si Leslie sa Britanya para mag-aral. Inasahan ng ama ni Leslie na siya magiging isang mahusay na tailor balang-araw. Sa panahon ng pag-aaral sa Britanya, si Leslie ay malalim na naimpluwensyahan ng pop music ng Britanya. Pakinggan natin ang isang awit ni Leslie: "Monica."
Sa narinig nating awit, kitang-kita ang impluwensya ng UK Pop Music kay Leslie.
Pagkaraang umuwi sa HK noong 1977, lumahok siya sa isang singing contest sa TV. Kinanta niya ang mga English songs at nakuha ang ika-2 puwesto. Kaya, naging kilala siya sa HK at pormal na sinimulan ang kanyang singing career. Pero, sa simula, mahusay lamang siya sa pagkanta ng English songs, at hindi mga Cantonese songs. Kaya, nagsikap siyang mag-aral umawit ng mga Cantonese songs.
Sa panahong iyan, ang king of Cantonese songs sa HK ay si Samuel Hui, pero, mula 1980's, unti-unting nagpokus si Hui sa pelikula. Samantala, pahusay nang pahusay si Leslie sa pagkanta ng Cantonese songs at mabilis siyang nagging bagong star.
Pakinggan natin ang isang Cantonese songs na magkasanib na inawit nina Samuel Hui at Leslie Cheung. "Silence is the gold"
(song: "Silence is the gold" 4'09")
Hindi lamang matagumpay si Leslie Cheung sa pagkakanta, kundi sa mga action film din. Mula noong 1980's, nagsimula ang kanyang acting career. Tuwing lalabas sa pelikula, karaniwang kinakanta rin ni Leslie ang theme song. Ngayon, pakinggan natin ang isang awit na "Gaze" mula sa pelikulang "Lemon Coke" noong 1982.
(song: "gaze " 3'07")
Ang pelikulang "Qian Nv You Hun" ay isa sa mga sikat na pelikula ni Leslie. Ito ay isang love story ng isang lalaki at babaeng multo. Si Ning Caichen-papel ni Leslie Cheung ay isang lalaking estudyante at naabala niya ang kaluluwa ng isang magandang dalagang nagngangalang Xiao Qian. Sa huli, na-in love sila sa isat-isa. Ito ay isang romantic story, at tinatawag din bilang "Chinese ghost story." Ang theme song ng pelikulang ito ay inawit ni Leslie. Ngayon, pakinggan natin ang awit na "Qian Nv You Hun"
Noong 1980's, si Leslie Cheung ay naging super star sa HK. Noong nakaraang episode, nabanggit natin na si Alan Tam ay isa ring superstar sa panahong iyan. Sila ay naging magkalaban sa pop music ng Hong Kong. Kahit magkalaban ang fans ng dalawang stars, hindi sila nag-aaway. Pero, upang maiwasan ang ibayo pang girian, noong taong 1989, sinabi ni Leslie Cheung na ititigil na niya ang kanyang singing career.
Pagkatapos nito, nagpopokus si Leslie sa pelikula. Noong 1990, natamo niya ang Best Actor Award sa 10th Hong Kong Film Awards, pinakamataas na film award ng Hong Kong. Noong 1993, umabot sa pinakatuktok ang kanyang acting career: nakuha ni Leslie ang top prize sa Cannes International Film Festival Palme d'Or dahil sa pelikulang "Farewell My Concubine." Nakuha rin ng pelikuang ito ang American Golden Globe Awards for Best Foreign Language Film. Ito ang kauna-unahang pagkakataong natamo ng isang pelikulang Tsino ang ganito kataas na award. Sa pelikulang ito, ang role ni Leslie ay isang peking opera actor, pero, sa stage siya ay isang babeng karakter. Mayroon din siyang karelasyong lalaki na isa ring peking opera actor. Ang theme song ng pelikula ay inawit din ni Leslie Cheung. Pakinggan natin ang Love is the Past.
Sa tunay na buhay, si Leslie Cheung ay isa ring gay. Mahigit 20 taon tumagal ang relasyon niya kay Ginoong Tang. Ang relasyon ay parang isang pelikula. May isang awit si Leslie na pinamagatang "Ako." Sa lyrics nito, sinabi ni Leslie na "I am myself, I am a sparkling fireworks in different color, I like myself." Pero, katulad ng kanyang mga pelikula, trahedya ang naging climax ng buhay ni Leslie. Noong 2003, dahil sa depression, nagpakamatay si Leslie. Hanggang sa kasalukuyan, idinaraos ang mga aktibidad bilang paggunita kay Leslie, ang talented actor and singer. Pakinggan natin ang "Ako" mula kay Leslie Cheung
Okay, oras na po para sko ay magpaalam. Sana ay kinagiliwan ninyo ang aming palatuntunan ngayong gabi. Para sa inyong mga komento at kuru-kuro, mag-email lamang sa filipino_section@yahoo.com, mag-text sa mga numerong 0947-287-1451/0905-474-1635, o mag-iwan lamang ng mensahe sa message board ng MaArte Ako.
Para naman sa mga ka-FB natin, paki-click lang ang "like" button sa aming FB page na crifilipinoservice para sa mga update ng aming ibat-ibang programa. Available na rin po ang aming mga programa sa podcast. Kaya, kung kayo po ay on-the-go, tamang-tama po ito para sa inyo.
Maraming salamat po. Sa ngalan ng buong pamilya ng Serbisyo Filipino, ito po muli si Lakay Rhio, ang guwapong Tarlakenyo at inyong tunay na pengyou, hanggang sa muli.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |