|
||||||||
|
||
Prof. Miriam Coronel-Ferrer, pinarangalan
TUMANGGAP ng parangal si Prof. Miriam Coronel-Ferrer mula sa N-Peace Awards, isang pandaigdigang Asian-based awarding body sa kanyang paglagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro sa pagitan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front. Naganap ang parangal sa Bangkok, Thailand.
Ang parangal ay inilundad ng United Nations Development Program, ang N-Peace Awards ay ibinibigay sa mga kilalang taong nagsusulong ng kapayapaan sa buong daigdig. Isyu ng mga kababaihan at kayapaan at seguridad ang mga isyung binibigyang halaga ng lupon.
Kasabay niyang pinarangalan si Hajji Khalil, isang dating Taliban Jihadist na namumuno sa isang panlalawigang peace council sa pagkakasangkot ng may 1,500 mga Taliban sa mga proyekto ng Afghan Peace and Reintegration program.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |