Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Upgrading ng CAFTA, mahalaga sa pagtatatag ng "diamond decade" ng relasyong Sino-ASEAN

(GMT+08:00) 2014-11-10 16:04:37       CRI
Noong unang araw ng taong 2010, itinatag ang China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA). Ito ay may kabuuang GDP na 6 na trilyong dolyares, samantalang 4.5 trilyong dolyares naman ang halaga ng kalakalan. Mahigit 1.9 bilyong populasyon ang nakikinabang dito. Sa ilalim ng CAFTA, mahigit 90% ng mga paninda ng Tsina at ASEAN ang nabibigyan ng sero taripa. Sa pamamagitan ng CAFTA, ang karaniwang taripa ng Tsina sa ASEAN ay naging 0.1% na lamang, mula sa 9.8%; samantalang ang karaniwang taripa sa Tsina ng anim na unang miyembro ng ASEAN na kinabibilangan ng Thailand, Malaysia, Pilipinas, Indonesia, Singapore at Brunei ay 0.6% lamang, mula sa 12.8%. Ang malakihang pagbabawas ng taripa ay nagpapabilis ng pagkakalakalan ng dalawang panig.

Ayon sa pinakahuling datos, noong 2012, lumampas sa 400 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina't ASEAN. Sa kasalukuyan, ang Tsina ay nagsisilbing pinakamalaking partner na pangkalakalan ng ASEAN, samantalang ang ASEAN naman ay ang ikatlong pinakamalaking partner na pangkalakalan ng Tsina.

Kaugnay ng pagtutulungang Sino-ASEAN, sa katatapos na China-ASEAN Summit, magkakasamang ipinatalastas ng mga kalahok na lider na sinisimulan na ang talastasan para i-upgrade ang CAFTA. Itinaktang matapos ang talastasan sa taong 2015.

Tinaguirang "golden decade" ang nakaraang sampung taon ng pagpapaunlad ng relasyong Sino-ASEAN; "diamond decade" naman ang tawag sa susunod na sampunang taon ng bilateral na relasyon.

Sa susunod na "diamond decade", ang pag-a-upgrade ng CAFTA ay mahalagang bahagi ng pagpapasulong ng relasyong Sino-ASEAN. Kaugnay nito, iminungkahi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na pasulungin ang interconnection at interlink ng dalawang panig sa lansangan, daambakal, transportasyong pandagat, at paglalatag ng pipeline ng langis at natural gas; kasama na ang pagpapalalim ng pagtutulungang pinansyal sa pamamagitan ng pagpapalawak ng currency swap. Kasabay nito, ibayo pang bubuksan ang pagkakalakalan sa serbisyo at ang pamumuhunan sa isa't isa.

Timeline ng pagtatatag ng CAFTA

Nobyembre 2000, iminungkahi ni dating Premyer Zhu Rongji ng Tsina na itatag ang CAFTA, na tinanggap ng mga lider ng ASEAN.

Nobyembre 2002, nilagdaan ang "Framework Agreement on Comprehensive Economic Cooperation Between the Association of South East Asian Nations and the People's Republic of China," kung saan nagpasiya ang dalawang panig na itatag ang CAFTA sa 2010.

Unang araw ng Enero 2004, sinimulang ipatupad ang Early Harvest Program.

Nobyembre 2004, nilagdaan ng Tsina't ASEAN ang Kasunduan sa Kalakalan ng mga Paninda sa ilalim ng CAFTA (CAFTA Agreement on Trade in Goods)

Hulyo 2005, sinumulang ipatupad ng dalawang panig ang komprehensibong pagbabawas ng mga taripa sa isa't isa.

Enero 2007, nilagdaan ng dalawang panig ang Kasunduan sa Kalakalan ng mga Serbisyo sa ilalim ng CAFTA (CAFTA Agreement on Trade in Services)

2009, nilagdaan ng dalawang panig ang Kasunduan sa Kalakalan ng Pamumuhunan sa ilalim ng CAFTA (CAFTA Agreement on Investment)

Enero 2010, naitatag ang CAFTA.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>