|
||||||||
|
||
Noong Mayo, 2000, sa Pulong ng mga Ministrong Pinansyal ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea (10+3), pinagtibay ang Chiang Mai Initiative (CMI) na nagtatampok sa serye ng mga bilateral na currency swap agreement sa pagitan ng mga bansang ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea para maiwasan ang muling pangyayari na gaya ng 1997 Asian Financial Crisis at mapasulong ang katatagang pinansyal ng rehiyon.
Chiang Mai Initiative Multilateralization
Noong Oktubre, 2003, sa Ika-7 Pulong ng mga Lider ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea, iminungkahi ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina na pasulungin ang Chiang Mai Initiative Multilateralization.
Sa pamamagitan ng ilang taong pagsasanggunian, noong ika-24 ng Marso, 2010, ipinatalastas ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea ang opisyal na pagkakabisa ng Chiang Mai Initiative Multilateralisation (CMIM) Agreement. Batay rito, nabuo ang Foreign Exchange Reserve ng Silangang Asya na nagkakahalaga ng 120 bilyong dolyares. Kumpara sa CMI kung saan bilateral ang currency swap, ang CMIM ay isang multilateral na currency swap mechanism.
Kabilang sa 120 bilyong dolyares na pondo, ang Tsina (na kinabibilangan ng Hong Kong) ay nag-ambag ng 38.4 bilyong dolyares na katumbas ng 32% ng kabuuang halaga; ang Hapon ay nag-ambag din ng 38.4 bilyong dolyares na katumbas ng 32% ng kabuuang halaga; ang Timog Korea naman ay nag-ambag 19.2 bilyong dolyares na katumbas ng 16% ng kabuuang halaga; samantalang ang ASEAN ay nag-ambag ng 24 bilyong dolyares na katumbas ng 20% ng kabuuang halaga.
Noong ika-3 ng Mayo, 2012, sa Ika-15 Pulong ng mga Ministrong Pinansyal at Presidente ng Bangko Sentral ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea, napagpasiyahan ng mga kalahok na palawakin ang reserba sa 240 bilyong dolyares mula sa 120 bilyong dolyares.
Noong ika-9 ng Oktubre, 2013, sa Pulong ng mga Lider ng Tsina't ASEAN, iminungkahi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na magtakda ng mga konkretong hakbangin para tupdan ang 240 bilyong dolyares na Foreign Exchange Reserve.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |