Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Jenny Tseng

(GMT+08:00) 2014-11-13 11:21:13       CRI


Ngayong araw, ipagpapatuloy natin ang pagsasalaysay hinggil sa matatandang artista. Sa sirkulo ng pop music ng Cantones, may isang "Nightingale ng HongKong." Noong ika-6 ng ika-20 siglo, sinimulang maging kilala siya at mula roon, popular siya ng mahigit 30 taon, siya ang tinatawag na "Big sister" sa pop music ng HongKong at siya si Xu Xiaofeng.

Tinatawag si Xu na "Nightingale ng HongKong" dahil sa kanyang magandang boses na katulad ng isang nightingale. Bukod dito, noong ika-6 dekada ng ika-20 siglo, lumahok siya sa isang singing contest na may panglang "Nightingale ng HongKong" at nakuha ni Xu ang unang puwesto dahil sa kantang "Fire of love." Mula noon, sinimulan ni Xu ang kanyang karera sa pop music. Ngayon, pakinggan muna natin ang "Fire of Love."

(Awit "Fire of Love")

Ang orihinal na mang-aawit ng "Fire of Love" ay si Bai Guang. Si Bai Guang ay naging kilala noong ika-4 dekada ng ika-20 siglo sa Shanghai. Noong panahong iyon, napakasagana ng Shanghai at ito ang sentro ng entertainment ng Tsina. Si Bai Guang ay itinuturing isa sa 7 singer stars ng Shanghai.

Dahil ang boses ni Xu Xiaofeng ay mababa, na katulad ni Bai Guang, kaya siya ang tinatawag na "Little Bai Guang." Ngayon, pakinggang natin ang isang awit ni Bai Guang para ikumpara ninyo ang kanilang boses. Ito ay pinamagatang "Wait for Your Return."

(Awit "Wait for Your Return")

Pumasok si Xu sa sirkulo ng pop music dahil sa kanyang paggaya ni Bai Guang, kailangan niyang ipaalis ang pangalang "little Bai Guang" para maitatag ang sariling katangian.

Sa wakas, natuklasan ni Xu ang sariling estilo. Dahan dahan ang ritmo, simple and honest ang boses. Noong ika-7 ng nagdaang siglo, nasa peak ang karera ni Xu. Pakinggan natin ang awit noong panahong iyon. Ito ay ang "Mahirap din pagdating ng pagkahiwalay."

(Awit "Mahirap din pagdating ng pagkahiwalay")

Ang lyrics ng nasabing awit ay poetry ni Li Shangyin, isang kilalang poet ng Tang Dynasty. Tungkol ito sa sakit na dulot ng pagkahiway ng mag-nobyo. Mula roon, kinanta ito ng maraming mang-aawit.

Pakinggan natin ang isa pang awit na may classical taste. Ito ay "Ang buwan ay ipinakikita ang paggunita sa malayong lugar." Ito rin ang binago mula sa isang poetry.

Pakinggan natin.

("Ang buwan ay ipinakikita ang paggunita sa malayong lugar")

Si Xu ang pinakatanda sa 6 na anak ng pamilya. Noong bata pa siya, pumunta ang pamilya ng HongKong. Nagpatakbo ang mga magulang nila ng negosyo ng pagkain. Dahil pinakamatanda siya, hindi niyang natapos ang pag-aaral sa paaralan at sinimulang tumulong sa mga magulang noong middle school. Pagkaraang maging isang mang-aawit, pumunta siya sa mga night club bawat gabi para kumita ng pera. Mula sa isang common people hanggang sa big star, bawat na hakbang ay mahirap. Ngayong pakinggan natin ang kanyang awit na "bawat hakbang." Ito ay itinuturing na tipikal na inspirational song ng HongKong.

(Awit "Bawat hakbang")

Okay, oras na po para kami ay magpaalam. Sana ay kinagiliwan ninyo ang aming palatuntunan ngayong gabi. Para sa inyong mga komento at kuru-kuro, mag-email lamang sa filipino_section@yahoo.com, mag-text sa mga numerong 0947-287-1451/0905-474-1635, o mag-iwan lamang ng mensahe sa message board ng MaArte Ako.

Para naman sa mga ka-FB natin, paki-click lang ang "like" button sa aming FB page na crifilipinoservice para sa mga update ng aming ibat-ibang programa. Available na rin po ang aming mga programa sa podcast. Kaya, kung kayo po ay on-the-go, tamang-tama po ito para sa inyo. Ito po muli si Andrea. Maraming salamat sa inyong pakikinig. See you next time.

Sa ngalan ng buong pamilya ng Serbisyo Filipino, ito po muli si Lakay Rhio, ang guwapong Tarlakenyo at inyong tunay na pengyou, hanggang sa muli.

Pasok sa Maarte Ako

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>