Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Anita Mui

(GMT+08:00) 2014-11-17 16:19:19       CRI


Isinilang si Anita noong 1963 at namatay noong 2003. Kahit 40 taon lamang ang kanyang buhay, 36 na taon naman siyang nanatili sa entablado. Ang tatay ni Anita ay namatay noong bata pa siya, at ang nanay niya ay isang actress at nagpatakbo ng sariling sing at danc group. Sa 4 na anak ng pamilya, si Anita ang pinakabata at pinakatalentado. Sa edad na 4 na taong gulang, nagsimula na siyang magtanghal. Pinagsabay niya ang pag-aaral at pagkanta.

Noong 1982, sa isang singing contest ng TVB para sa mga bagong mang-aawit, nakamit ni Anita ang unang puwesto. Mula noon, tinahak niya ang landas patungo sa pagiging bituwin. Pakinggan natin ang awit ni Anita. "Season of the Wind."

Noong 1984, inilabas ni Anita ang kanyang masterpiece na pinamagatang "As Time Goes By." Mula sa kantang ito, itinakda ni Anita ang kanyang moderno at bold na estilo sa entablado. Ang kanyang hitsura at palabas ay palagiang out of the box. Pakinggan natin ang "As Time Goes By."

Kakaiba ang histura ni Anita sa kanyang mga palabas, at itinuturing siya bilang "Martial angel" at "East Madonna." Noong 1985, inilabas ni Anita ang album na may pangalang "Bad Girl." At umabot sa 400 libo ang sale volume nito. Dahil sa kantang "Bad Girl," na naglalarawan ng mga sexual na bagay, 7 taong ipinagbawal mag-concert si Anita sa Mainland. Pero, mula sa kantang ito, naging mas sexy at moderno ang stage image ni Anita. Pakinggan natin ang "Bad Girl."

Bukod sa pagkanta, si Anita ay isa ring mahusay na aktress. Sa mga pelikula, gumanap siya bilang heroine, prostitute, spy, queen, at housewife. Minsan, gumanap din siya ng papel ng lalaki. Noong 1987, dahil sa mahusay na pagganap sa "Rouge," nakuha ni Anita ang gantimpala sa Golden Horse Award ng Taiwan, Hong Kong Film Awards, at Asia Pacific Film Festival. Sa "Rouge,"gumanap si Anita ng papel ng isang prostitute, at si Leslie Cheung ay gumanap naman ng isang mayamang lalaki. Nagkaroon sila ng isang magandang love story. Ang theme song ng "Rouge" ay kinanta ni Anita, pakinggan natin. (Awit "Rouge")

Ang awit na "Women Flower" ay isa rin sa mga masterpiece ni Anita. Sa lyrics nito, sinasabing ang babae ay parang bulaklak at ang bulaklak na ito ay parang isang pangarap. Ito ay nagpapakita ng tadhana ni Anita. Bago tayo magpaalam, narito ang ating huling awit sa gabing ito, "Women Flower" ni Anita Mui.

Okay, oras na po para kami ay magpaalam. Sana ay kinagiliwan ninyo ang aming palatuntunan ngayong gabi. Para sa inyong mga komento at kuru-kuro, mag-email lamang sa filipino_section@yahoo.com, mag-text sa mga numerong 0947-287-1451/0905-474-1635, o mag-iwan lamang ng mensahe sa message board ng MaArte Ako.

Para naman sa mga ka-FB natin, paki-click lang ang "like" button sa aming FB page na crifilipinoservice para sa mga update ng aming ibat-ibang programa. Available na rin po ang aming mga programa sa podcast. Kaya, kung kayo po ay on-the-go, tamang-tama po ito para sa inyo.

Pasok sa Ma-arte Ako

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>