Pamahalaan, maglalabas ng salapi para sa mga pamantasan
AABOT sa P 290 milyon ang ilalabas ng Department of Budget and Management sa oras na sumang-ayon si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III upang maayos ang mga pamantasan at dalubhasaan na apektado ng maraming mga kalamidad na dumaan sa bansa.
Makikinabang ang may 23 state universities and colleges sa pondong ito. Ani Kalihim Florencio Abad, ilan lamang ito sa mga paraan ng pamahalaang mapaunlad ang uri ng edukasyon sa bansa. Apektado ang Pilipinas ng mga kalamidad kaya't mangangailangan ng tulong ang mga paaralan at mga mag-aaral. Ang mga pamantasan at dalubhasaang bibigyan ng pondo ay tatanggap ng biyaya mula sa Commission on Higher Education.
Kukunin ang salapi sa 2014 Rehabilitation and Reconstruction Program at makikinabang ang mga pamantasan naapektuhan ng 7.2 magnitude na lindol sa Boho at Cebu, ng Zamboanga siege at mga bagyong Odette, Vinta, Santi, Labuyo at Sendong.
1 2 3 4 5