Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Hindi pa rin mapakikinabangan ang coconut levy fund

(GMT+08:00) 2014-11-26 18:13:10       CRI

Maraming magagawa upang higit na umunlad ang Pilipinas

KAILANGAN ANG HIGIT NA PAGGASTOS SA MGA PAGAWAING BAYAN.  Sinabi ni Asian Development Bank President Takehiko Nakao na mahalagang dagdagan ang gastos sa pagawaing bayan upang matugunan ang mga pangangailangan ng kalakal.  (ADB Photo)

SINABI ni Pangulong Takehiko Nakao ng Asian Development Bank na maraming mga pagbabagong naganap sa Pilipinas at malaki ang potensyal ng bansa kung matutugunan ang ilang mga problema naranasan noong mga nakalipas na panahon.

Kulang umano ang gastos para sa mga pagawaing-bayan. Maaring nagaganap ito dahil sa kakulangan ng buwis na nasisingil mula sa mga mamamamayan. Nagkaroon din ng mga kaguluhan noong mga dekada otsenta at napinsala ang imahen ng bansa. Ang isa sa mga hinahanap ng mga banyagang mangangalakal ay ang matatag na kapayapaan at seguridad.

Sa idinaos na pakikipagbalitaan ng pangulo ng Asian Development Bank sa Foreign Correspondents Association of the Philippines kaninang umaga, sinabi ni Pangulong Nakao na maganda na ang ipinakikita ng ekonomiya ng Pilipinas tulad ng pagkakaroon ng 7.2% growth noong nakalipas na taon samantalng mayroong 6.2% ngayong 2014 at umaasang matatamo ang 6.4% growth sa 2015.

Kailangan lamang na kilalanin ng pamahalaan ang market-oriented policies at bawasan ang red tapes samantalang madaragdagan ang gastos ng pamahalaan sa public transport, mga pagpapagawa ng magagamit na lansangan at tulay sa malalayong pook at mga programang madarama ng mamamayan ang mga bunga ng kaunlaran.

Unang binanggit ni Pangulong Nakao ang Pilipinas na pumapangalawa sa Japan noong mga nakalipas na dekada at unti-unting naiwanan ng mga kalapit bansa. Ipinaliwanag niyang nagulat siya sa potensyal ng Mindanao ng dumalaw siya sa Davao City.

Sa oras na maging matatag ang kapayapaan at seguridad, malaki ang mga potensyal ng bansa. Ito umano ang hinahanap ng mga banyagang mangangalakal.

Kung ihahambing sa Myanmar, hamak na malaki ang agwat sa mga pagawaing bayan at tiyak na dudumugin ng mga mangangalakal ang Pilipinas lalo't nakapagsasalita ng Ingles ang karamihan ng mga mamamayan.

Sa panig ng Public-Private Partnership, sinabi ni Pangulong Nakao na magandang paraan ito upang makarating ang kaunlaran sa kanayunan. Nagkataong mayroong mga proyektong mas makabubuting tustusan ng salaping mula sa mga buwis na ibinayad ng mga mamamayan kaysa pumasok pa sa PPP arrangements.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>